I am convinced that love is merely an illusion. It lures everyone into its trick that makes us believe that love, only love can complete us. Marami satin, binibigay na lahat kaya wala ng natitira para sa sarili natin. Minsan, kung kelan akala mo siya na, saka naman siya mawawala sayo. Forever, Prince Charmings, Damsels-in-Distress, and Happy Endings are just products of our imagination and fantasies and our feelings feeds them. Kaya pag nagpadala ka, ikaw din ang talo. In a game called love, you can be two things - You can be the player, or you can be the toy.
"Yan na yun bes?" reklamo ni Ivy, "Yan na yung ipepresent mo kay Miss?"
"Wait, let me finish." tinapat ko yung palad ko sa muka niya habang humihigop ako sa frappe ko. "Aaaaaaaand for the final blow."
Tinigil ni Ivy lahat ng ginagawa niya tsaka tumitig sakin.
"So with that, I hereby conclude that love..." I paused.
"is pure bullshit"
"I knew it." napafacepalm siya sa sinabi ko. "Wala na talagang gamot sa mga bitter"
"I'm not." I snapped, "I'm just being realistic"
"Realistic mo your face" nagslice siya atsaka kinain yung cheesecake niya. :Move on din, bes. Hindi nakakamatay. "
Move on. I glared at her.
She raised both her hands , "Sige na, hindi na. Tama na talo kalaban."
I smiled at her smugly, "Good." Then took another sip.
For you to know, Iris Iliana Sarmiento is my name. 19 years old. 3rd Year College. Want to know more? Problema mo na yun.
By the way, this girl sitting next to me is my *hingang malalim* *lunok ng malalim* BESTFRIEND, Ivy Therese Vargas. I hate every living organism on earth except for mommy, daddy, and her. Magkaibang magkaiba kami ni Ivy. Kung siya, makulit at pasensyosa, ako, masungit, bossy, at walang pakialam. Or so they say. Kaya hindi nakakapagtaka kung siya, may boyfriend, ako wala. Kasalanan ko ba kung masyado akong maganda kaya wala akong sinasagot?
"Huy sumagot ka nga" she slapped her hand against the other to catch my attention.
"What?"
"He's cute right? Yung transferee dito sa university!" with puppy eyes effect pa.
"No" I said right away, then stirred my drink.
"Hindi ka pa nga tumitingin eh!" pangungulit niya, "Bes tingnan mo muna!" tapos inalog alog niya ko.
"Sinong nagsabing pwede mo kong alug-alugin?"
"Eeeeeeehhhh bes tingnan mo muna daliiii!" hindi parin siya tumitigil sa pagalog sakin, instead, nilakasan niya pa. Sabi sainyo makulit to eh. Walang talab yung pagsusungit ko sakanya.
BINABASA MO ANG
Twenty Nine Wills
أدب المراهقينTwenty Nine - that's the number of wills Iris wants to accomplish. Diagnosed with terminal disease, she is determined to complete the list before her time runs out. What she wants seems to be impossible until Gab, the total opposite of her blunt, re...