IRIS
When it is almost midnight, we head back to our hut. Instead of releasing the balloon up in the air, I gave it to Neng instead. Her ingenous smile gave me this sense of serenity.
Pagkadating namin sa kubo, tulog na ang maglolola. I smiled as I watched them sleep. Kinumutan ko na sila at tumabi na kaming dalawa ni Gabriel sa banig.
"oh, hindi ka ba lalamigin niyan?" tanong ni Gabriel habang umaayos siya ng pagkakahiga.
"I can manage." sabi ko at tumalikod sa kanya. Antok na antok na ko sa dami ng nangyari ngayon.
Suddenly, I felt my body gain some weight. It's his arm, wrapped around my waist.
"Improvised bed warmer" he sound like a salesman.
I secretly smiled as I dozed off to sleep.
--
Kinabukasan, tinipon namin ang mga bata sa silong. Katulad kahapon, magkahiwalay parin kami ng subject areas na ituturo. Basic arithmetic, alphabet at GMRC ang kay Gabriel, Science at Health naman sakin.
A leukemic girl teaching about health. The irony.
Pagkatapos namin maglecture, kinailangan namin magmerge para sa physical education. Lumabas kami ng silong at pumunta sa may seashore.
"Okay, mga bata. Maglalaro tayo ng dragon's tail." Gabriel announced. Nagpalitan ng tingin ang mga bata, siguro dahil hindi sila pamilyar sa laro
Dinemonstrate namin ang laro. Ito yung laro na may isang taya na kailangan hulihin yung nasa dulo. Nakalinya sila tapos yung nasa harapan ng kokontrol kung saan sila tatakbo para maiwasan yung taya. Dapat walang bibitaw.
"Ako yung prince na magpoprotekta sa buntot ng dragon na si Neng. At siya naman ang monster." he explained then pointed me out.
Kinurot ko siya ng mapino sa tagiliran at napabaluktot siya sa sakit, "Sino kayang halimaw ang muka?!"
"Edi ikaw!" at lalo pang nagsitawanan ang mga bata.
"You wish!"
In the end, ako parin ang talo, "Fine, ako na taya" I raised my hands up in surrender.
Inextend ko ang mga braso ko na para bang nakikipagpatintero habang tumatakbo ako papunta kay Neng. Naghihiyawan naman ang mga bata sa paliko liko nila. Nahaharangan ako ni Gabriel na nakadipa din. Nang makahanap na ko ng lulusutan, biglang sumarado ang mga braso niya at naipit ako sa loob.
Niyakap niya ko.
I looked at his eyes that were already looking at me. They're simply mesmerizing.
"Yiiiiiiiiiiieeeeee!" I snapped into consciousness when I heard their squeals. I broke free from his embrace.
BINABASA MO ANG
Twenty Nine Wills
Genç KurguTwenty Nine - that's the number of wills Iris wants to accomplish. Diagnosed with terminal disease, she is determined to complete the list before her time runs out. What she wants seems to be impossible until Gab, the total opposite of her blunt, re...