Stars in a Jar

55 7 3
                                    

Patapos na ang araw pero wala ni isang lesson akong naiintindihan. Mabilis natapos ang Statistics class ko ng hindi ko namamalayan. Ito na yung last class ko. Tumunog na yung bell at dinismiss na kami.

So, as expected, sinunod ko nga yung pinapagawa ni Ivy.

Nagmadali akong pumunta sa parking lot at sumakay sa kotse ko. I digged inside my bag to look for my keys then drove my way home. Pagkadating ko sa condo ko, hinablot ko nalang bigla yung jar kung san nakalagay yung  29 wills ko na maayos na nakalapag sa side table. Umalis na ko agad atsaka nagdrive kung saan.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung san ako pupunta.

Mataas na lugar? Common na yung dito sa Makati, sa dami ba naman ng mga building dito. Kaso pano ko naman ihahagis yung jar kung ang babagsakan niya e puro kalsada at kotse. Ayoko naman gumastos at magpakapagod para umakyat ng bundok para lang maghagis ng jar.

Sandali. Tama. Bundok. Kung ayaw ko sa bundok, pwede naman siguro yung mini version nun, diba?

My subconscious nods in agreement. Alam ko na kung san ako pupunta.

---

Nakadating na ko sa gusto kong puntahan. It's a hill inside a village. Dito sa village na 'to ako nakatira bago ko naisipang magsarili. Buti nalang hindi 'to pinatag para pagtayuan ng bahay. Wala paring nagbabago. Nakakagaan parin ng pakiramdam pag umaakyat ako dito. Malayo sa mga problema. Nakakatawa nga eh, kasi kung san pa siya unang nagconfess sakin, dun pa ko pumunta para makalimutan siya. Nagindian-sit ako sa damuhan tsaka pumitas ng tumutubo na dandelion atsaka hinipan yun. I closed my eyes.

"Close your eyes"

"Bakit?"

"Basta. Pumikit ka nalang."

Sumunod naman ako sa sinasabi niya. Naramdaman kong natakpan ng panyo yung mga mata ko. Tapos inalalayan niya ko sumakay sa kotse.

"Sure ka hindi mo ko kikidnapin?"

Narinig ko yung pagtawa niya, "Adik ka. May kidnapper bang inaalalayan pa yung biktima niya?"

"Oo, ikaw."

"Wag mo nga muna pairalin yang kakulitan mo"

Okay, 1 point! Ang sarap asarin nito kasi pikon. After nun, tumahimik nalang ako at naghintay kung kelan kami bababa.

Huminto na yung kotse. Hawak niya yung kanang kamay ko pati balikat habang inaalalayan niya ko sa paglalakad. Himala.

"Andito na tayo."

Ginala ko yung isang paa ko para pakiramdaman yung lugar. Sa isang part, lumubog yung paa ko grass. Tapos, tumama yung paa ko sa, hagdan? Hindi yung hagdan na gawa sa semento, tingin ko gawa lang 'to  sa kahoy. Mukang marupok kaya kinabahan ako.

Twenty Nine WillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon