GABRIEL
Nakauwi na kinaumagahan si Iris. I offered to accompany her home, but she insisted that she can manage. Hindi na ko nagpumilit dahil baka mastress. I went back to where my car is and had it towed away. Umuwi ako agad para makahabol sa klase ko.
"San ka galing?" galit na bungad sakin ni Dad pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay.
"Dad, not now." mahinahon kong sabi atsaka umakyat papuntang kwarto.
"Kinakausap kita wag kang bastos." madiin niyang sabi. Bumaba ako sa hagdan at hinarap siya para matapos na.
"Somewhere far from here. Unfortunately, my car broke down." I explained.
"Bastard." he cussed, "When will you grow up? You really think that can get away with my decision through your damn attitude? Keep this in mind, Gabriel. Kahit anong pagrerebelde ang gawin mo, susunod at susunod ka sa gusto ko. Tandaan mo yan." tinuktok niya yung noo ko gamit ang hintuturo niya tsaka naglakad palabas.
As if on cue, Mom came out of the room. Lumapit ako sakanya para ipaliwanag lahat ng nangyari, hoping that she'll listen, pero naunahan niya kong magsalita.
"Oh, naisipan mo pang umuwi. Wala kanang ginawa kundi magloko sa school, may gana ka pang maglayas. Wala ka nang pinagkatandaan."
"Mom, let me--"
Her phone rang. "Yaya! Pakihanda na yung gate." She called out while hurrying downstairs to answer the call, "Hello? Yes, I'll be there---"
This is a normal scene in our home. Papagalitan ako ni Dad, dadagdag si Mom, aalis sila pareho para sa trabaho. Ako? Makikining tapos aakyat sa kwarto. Explanations remain unheard.
"Mukang napagalitan ka na naman, hijo, ah." sabi ni Yaya Lyn nung bumaba ako para magalmusal.
Si Yaya Lyn lang ang kakampi ko dito sa bahay. simula kasi pagkabata siya na ang nagaalaga sakin dahil wala mga magulang ko dito kasi nga, obviously, bussiness. "Oo nga po, 'Ya eh"
"Ano nga ba kasi nangyari at ngayon ka lang umuwi?" tanong niya sabay lapag ng breakfast ko sa table.
"Umalis kasi ako para magpahangin. Masyado na kasi silang nakakasakal. Uuwi naman po ako, kaso may nambato ng kotse ko ng hindi sinasadya. Nung hinarap ko siya, bigla siyang hinimatay. May sakit pala yun, yaya. Dinala ko sa hospital at binantayan kaya di ako nakauwi agad."
"tsk tsk" napailing siya "Sana nakinig man lang sila, may rason ka naman pala."
"Hayaan mo na po, 'ya. Lilipas din 'to" nakatingin ako sa window, naambon pala. Nagpaalam na para umakyat sa kwarto.
I took a nap. The gloomy weather darkened my room. I tossed and turned in bed, then I realized that my mind won't sink into sleep. I rolled out of bed and forced myself to attend my classes.
Dumaan muna ako sa repair shop kung san ko dinala yung kotse ko. Naayos na yung windscreen pati yung mga basag basag sa bubog sa loob. Nagbayad na ko at nagdrive papuntang school.
BINABASA MO ANG
Twenty Nine Wills
Fiksi RemajaTwenty Nine - that's the number of wills Iris wants to accomplish. Diagnosed with terminal disease, she is determined to complete the list before her time runs out. What she wants seems to be impossible until Gab, the total opposite of her blunt, re...