IRIS
This is hell.
Nabagsak ko ang mga bagaheng dala ko. Nakarating na kami sa destinasyon namin. Kinailangan pa naming maglakad dahil hindi kaya ng kahit anong kotse ang putik, lubak, at pasikot sikot dito. Walang ilaw, walng kuryente, walang konkretong bahay, walang signal.
Nasa gitna kami ng kawalan.
Gabi na ng makarating kami. Napabuntong hininga ako ng maisip ko na magtatagal kami dito ng isang buwan. Isama mo pa ang isang kumag na 'to. Napatingin ako sakanya at parehas kami ng reaction. Nilabas ko na ang flashlight ko at nagsimulang maglakad.
Halos lumuwa ang puso ko ng mpatapat ang ilaw ng flashlight ko sa isang matandang babae na may hawak na lampara. "Kayo na po ba yung mga tit-cher galing sa Kalber Redsj Unibersity? (Culver RIdge University)"
Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat. SI gabriel na ang sumagot para sakin, "Opo kami nga ho."
"Manang Lelay na lamang ang itawag niyo sakin. Sumunod kayo sakin." masayang sabi niya samin.
Tumigil kami sa isang kubo na lampara lang pinanggagalingan ng ilaw. Masyadong madilim ang paligid at napapaligiran ng puno.
"Dinhe kayo tutuloy sa loob ng isang buwan. Ay sandali pala muna, magasawa ho ba kayo?"
"Hindi po!" sabay naming sigaw. Kaloka to si Manang.
"Naku, kailangan niyong lumipat ng matutuluyan. Duon sa mas malaki laki. Duon na lamang kayo kala Ka Tonyo para magkahiwalay kayo ng silid. Di man kayo pupwede dinhe dahil isang kwarto lang ang laki nire at di kayo pupwede magsama. Pasensya na kayo."
Tumango si Gabriel, "Sige po, naiintindihan po namin. Saan po ba ang daan papunta kala Ka Tonyo"
"Ah, ganire. Dirediretsuhin niyo lang saka lumiko sa kaliwa. Kapag nakita niyo ang puno ng balete, kumanan na kayo at dumiretso sa ilog. Tawirin niyo iyon-- ay, siya nga pala, magingat kayo at malakas ang agos ng tubig. Tapos ay umakyat kayo sa burol. Ang pangalawang bahay roon ay sakaniya."
Napalunok ako sa narinig ko. Buwis buhay naman ang paglipat dito. Kawindang man, 'duy. Baka abutin kami ng umaga niyan Or worst, di pa makabalik ng buhay.
I was shocked when he draped an arm on my shoulder and held me closer to him, "Ay, manang, nagbibiro lang ho kami kanina ng ASAWA ko kaya tinanggi namin yun kanina. Matampuhin po kasi ito eh, diba, umm, h-honeybunch?" pinandilatan niya ko habang nakangiting peke.
Utak bisugo talaga 'to kahit kailan! Hindi man lang makaisip ng desenteng endearment, nakakasuya! Tinapakan ko siya ng malakas sa paa, "Pinagsasabi mo?!"
"Sabi sainyo, manang eh. Meron yata 'tong MISIS ko ngayon kaya ganyan. He-he. Kailangan ata ng kiss eh."
WHAT?!
Nilapit niya ang muka niya sa muka ko, pero imbis na halikan niya ko eh bubulong lang pala siya pero sa side ni manang eh mukang hinahalikan niya ko, "Sumakay ka naman! Ayoko pa mamatay ng dahil lang sa paglipat ng bahay, ano! Walang kwentang death yun!"
Nang humarap na ulit si Gabriel sa matanda at nakita naming ngingiti ngiti ito at pumapalakpak pa. Bumenta ata sakanya.
Hinamapas ko ng pabiro si Gabriel, "Ikaw naman kasi, umm, b-baby cakes!" Ano daw? Leche. Bakit yun pa naisip ko?! Kilabutan ka, Iris! "Pero sige na nga, bati na tayo. Hihi."
"Salamat naman at bati na kayo" aba tuwang tuwa si manang, "Caloy, Berta! Halikayo at tulungan niyo ang mga bisista sa pagbuhat ng bagahe."
"Opo, Lola. Andiyan na po!" rinig naming sagot ng mga bata.
BINABASA MO ANG
Twenty Nine Wills
Teen FictionTwenty Nine - that's the number of wills Iris wants to accomplish. Diagnosed with terminal disease, she is determined to complete the list before her time runs out. What she wants seems to be impossible until Gab, the total opposite of her blunt, re...