Hi nga pala kay @Iyasolares20! :) thanks for reminding me about my story. Ginanahan ako magUD dahil sa comment mo. Sorry sa late dedication. Thanks a lot and stay awesome xx
--
IRIS
Sabi nila, the mind play tricks when it's overused. It happens everytime you're sad, lonely, or confused.
Pero sa nakikita ko ngayon, lahat ng 'to ay hindi guni-guni lang.
"B-Brent?"
My first impulse was to throw myself to him and hug him. TIght.
"Brent, pano mo nagawa sakin yun? Pano mo nagawang paniwalain at pahirapan ako ng tatlong taon? Ano bang naging kasalanan ko sayo? Ha?" hinarap ko yung muka niya sakin habang umiiyak at niyakap siya ng mahigpit.
Kaso pilit niyang tinatanggal yung braso ko sa pagkakayakap sa kanya.
"Ayaw mo na ba sakin? Papatawarin naman kita kahit anong gawin mo. Basta wag ka lang mawawala sakin ulit. Hindi ko na kakayanin, Brent." pagmamakaawa ko sakanya.
"Miss saglit nga lang!" tuluyan niya nang tinanggal yung braso ko. Napayuko ako habang tuloy tuloy yung mga luha ko sa pagpatak.
"Nakadrugs ka ba o sadyang stage 4 na yung pagkabored mo?"
"Brent, wag ka namang ganyan oh. Kinalimutan mo na ba ko kasi may iba kana?" nagbadya ako na yakapin siya ulit pero pinigilan niya ko. Inistretch niya yung braso niya tsaka nilagay niya yung palad ng kanang kamay niya sa noo ko kaya hindi ko siya maabot.
"Ano ba, Miss?! Ang kulit mo rin eh. Para sabihin ko sayo, Gabriel Montero ang pangalan ko, siguro naman halatang napakalayo sa 'Brent'"
"Gabriel?"
"Oo."
"Hindi Brent?"
Pahiya ako dun ah.
"Oo nga, ang kulit. Maiba nga tayo. Miss, kung inaakala mo na matatakasan mo ko, sorry, hindi convincing ang acting skills mo. Ipagawa mo yung kotse ko kung ayaw mong ipapulis kita."
I stared and examined him. The eyes, the hair, the voice. His whole being . There's a striking resemblance between him and Brent.
"Sa pag eestimate ko aabutin ka ng mga 10k or more. Windscreen yung nadali mo e so kailangan palitan ng buo"
Kung kelan napagdesisyunan ko nang magmove on, saka ko pa 'to nakita. Pagkatapos, malalaman ko na hindi pala siya, kamuka lang. Parang joke lang, diba? Kung biro man 'to, hindi nakakatuwa.
"Hindi ka makakauwi hanggat di mo nababayaran yung nasira mo. At wag na wag mong susubukang tumakas."
I still can't believe that it's NOT him.
"Miss, nakikinig ka ba?"
BINABASA MO ANG
Twenty Nine Wills
Подростковая литератураTwenty Nine - that's the number of wills Iris wants to accomplish. Diagnosed with terminal disease, she is determined to complete the list before her time runs out. What she wants seems to be impossible until Gab, the total opposite of her blunt, re...