2 of 29: Ice Cream

52 7 2
                                    

IRIS

We did it. I cant stop myself from smiling. There are things that really worth another try. Kung gusto, may paraan.

I opened the window in my room. Is this Brent's way of telling me to continue my list? I thought while staring out of the window.

A knock on the door brought me back to my senses, "Yana?" a voice on the other side of the door called out.

Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Mommy na naka apron, "Kakain na." she smiled.

"Ma, malaki na ang anak mo. Baka nahihiya na yan sa tawag mo na Yana. Iris nalang dapat." sabi ni Daddy na sumulpot kung saan. Sinimangutan siya ni Mommy.

"Alam mo ikaw? Lahat nalang kinokontra mo." Piningot ni Mommy si Daddy. Si Daddy naman sigaw ng sigaw pero di makalaban. Tumatawa lang ako habang pinapanuod sila. "Tama na yan, Mommy baka matanggal yang tenga ni Daddy. You can call me whatever you want naman po" matawa taw kong sabi.

"Narinig mo yun ha?" pangasar na sabi ni Mommy.

"Malamang di naman ako bingi." at nakatanggap siya ng isa pang pingot ulit.

Binitawan na siya ni Mommy at sinimangutan siya, "Wag kang kakain!" tapos hinila niya ko pababa ng hagdan. Kulit talaga.

"Ma naman..."  tumawa naman si Mommy at sabay sabay na kami pumunta sa dining.

Since weekend ngayon, dito ako umuwi sa bahay namin ng parents ko. Nakasanayan na yun, atsaka namimiss ko sila agad, eh. Isa pa, wala din naman akong kapatid na bibisita sa kanila. Kaya lang naman ako lumipat sa condo unit para malapit sa school at kung san nagpophotoshoot.

"So how's your week, anak?" pangangamusta ni Daddy habang pinagsasandukan ako ng kanin.

"Just fine." hinipan ko yung ulam sa spoon ko, "May ilang days pa pong vacant before my next shoot."

Mommy's eyes brightened, "It's good to hear that from you after ng death anniversary ni Brent." 

"Ma!" pinandilatan  ni Daddy si Mommy dahilan para takpan niya yung bibig niya. Muka namang di-mapakali si Daddy, "N-nako, anak, pagpasensyahan mo na tong nanay mo ah. He-he. Medyo makalimutin eh."

For the first time in 3 years, hindi ako umiyak ng napagusapan si Brent, "Daddy, okay lang po." I gave them a reassuring nod then ate.

Tinignan muna nila ko ng nagtataka atsaka kumain ulit.

--

Monday morning. Nagmamadali akong pumunta sa school cafe para icheck kung dun ko naiwan yung 29 wills ko. Kung andun man, sana di pa natatapon. Galing na din ako sa burol kung saan ko huling nakita yun. Shocks, kelangan ko na magmadali. Lumabas na ko ng cafe at balak kong umunta sa room namin. Saan ko ba kasi nalagay --

"Aray! Ano ba?"

"Uy, okay ka lang?" sabay ng sabi nung nakabangga sakin, "Iris?"

Twenty Nine WillsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon