33

92 5 0
                                    

"I'm sorry, Mir. Hindi ako nakapagpaalam sa 'yo noon ng maayos. Alam kong mali ang ginawa ko pero wala na akong choice kundi umalis." Paliwanag niya.

Naiwan kami sa living room. Pinigilan niya 'kong umalis at ngayon wala akong choice kundi makinig sa mga paliwanag niya. "Plano niyo ba 'to?Tell me." Malamig parin ang trato ko sa kaniya.

"H-hindi, Mir. Totoong may sakit si Kuya. He have an amnesia." Umirap ako, "Hindi ako naniniwala. Alam kong nagsisinungaling siya, gusto niya lang pagtakpan lahat ng maling ginawa niya sa 'kin." Hindi ko alam kung maniniwala ako.

"Five years ago. He got into an accident. Nabangga siya noong gabing nasa hospital din si Shawn. He suffered comatose in a week, at noong magising siya wala siyang maalala." Tumayo ako, "I'm done with those lies, Kate. Hindi na ako magpapauto." Pinigilan niya akong muli.

"Si Olivia ang may pakana ng lahat. He told kuya na mag-asawa sila at pinaplano nilang magpakasal ulit." Malamig ang binigay kong tingin sa kaniya. "Bakit hindi mo pinigilan?Alam mo lahat--Ako ang pakakasalan niya noon, Kate. Ako!" Feeling ko bumalik sakin lahat ng sakit.

"I'm sorry, I wasn't there that Time. Inuwi ako ni Daddy sa Italy dahil alam nilang against ako sa plano nila ni Olivia. Noong kasal ni Kuya---t-tinawagan kita diba?" Saglit akong natahimik ng bumalik sa 'kin ang ala-alang iyon.

*While I was watching I was interrupted when someone calls me. "Hello?" sumisinghot pa 'ko dahil sa pag-iyak ko kanina.

"Mirgaux,l-listen to me.." Nanlaki ang mata ko, Kate.

"Yes, what is it?" Medyo nawala ang linya niya, "Kate?hello?---you still there?" sunod-sunod na tanong ko. "Mirgaux--list--" After that the call ended. Sinubukan ko na tawagan ang number pero cannot be reach na iyon.

Bumalik ako sa katinuan noong nagsimula siyang magkwento muli. "Kinuha ni Daddy ang cellphone ko noon, Nahuli niya 'kong tinatawagan kita at hindi niya yun ibinalik sa 'kin hanggang sa bumalik siya sa L.A at natuloy ang kasal ni Kuya." She added.

"That time Kuya fell under Olivia's spell. Kunware kumuha sila ng Personal doctor. But they Injected kuya a wrong dose." Umirap ako. "Bakit gagawin ni Olivia 'yon?Mahal niya si Kaedel." I answered.

"Kuya loves you so much, at kung hindi niya gagawin yun babalikan ka ni Kuya at Kayo ang magpapakasal. Kuya, already prepared everything bago siya bumalik sa L.A. Last hearing na yun para kay Olivia, at dapat pipirmahan na ni Olivia iyon kaso nagkaroon ng aksidente na pinagmulan ng lahat dahil Kung hindi gagawin ni Olivia iyon matutuloy ang Divorce na ni-file ni Kuya." I sigh heavily, Hindi na ako makapag-isip ng maayos sobrang gulo ng isip ko. Walanghiyang Olivia to Baliw yata.

"Sabi mo wala ka noong nangyari ang mga bagay na 'yan, paano mo nalaman?" Tumahimik siya bago muling nagsalita. "Their maid told me everything, simula sa pag-iinject kay Kuya noong gamot na hindi ko alam kung saan ba nanggaling iyon." Paliwanag niya. "Where's Olivia and the doctor rightnow?" I asked. Bumaba si Kaedel galing sa kwarto niya, Nagtama ang mata naming dalawa. "Nakakulong na sila, even our dad." Malamig rin ang boses niya noong sinabi niya iyon sa 'kin.

Tumaas ang kilay ko habang nakatitig siya sa 'kin. Natatakot ako sobrang talim noong tingin niya. "So, May idea kana ba kung bakit kita sinampal sa bar?" Pumagitna si Kate sa aming dalawa. "So, nagkita na kayo?" Tanong nito sa 'min. "Tss." Yun lang ang sagot niya at nagwalk-out.

"Hoy!Ang kapal ng mukha mo parang dika nag-I love you sa 'kin dati ah." I fired out as Kate chuckled.

Huminto si Kaedel sa paglalakad at nilingon ako. "So, you're still my girlfriend until now?" Hindi ako nakasagot sa kaniya sa tanong niya. Hindi naman kami nagbreak, wala kaming closure noon. Sinulyapan ko si Kate na may tinatagong ngisi, "Aba, ewan ko!Hindi naman iyon ang pinopoint-out ko dito." Sagot ko.

Secretly Dating My Best friend's BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon