34

102 5 1
                                    

"ayun lang?Nakipagbalikan ka agad?" Napanguso ako sa sinabi ni Kurt. Nandito ako sa kwarto ko ngayon at kausap ko silang dalawa ni Claire.

"Hindi kami nagkabalikan, I'm just here to check him up." Sagot ko. "Infairness, mas lalong gumwapo bebe mo." Kinikilig na sabi ni Claire. Magkasama kami ni Kd kanina noong tumawag sila at aksidenteng naka-open ang cam ko kaya bumungad sa kanila ang mukha naming dalawa, wala tuloy akong choice kundi magpaliwanag. At ngayon nandito ako sa kwarto dahil kinuwento ko sa kanilang dalawa lahat ng sinabi ni Kate sakin kanina.

"Dapat hindi ka muna magtiwala, paano kung lokohin ka ulit niyan." Kurt really look pissed. "Ano kaba doc, hindi nga raw nagloko, may amnesia nga." Sagot din ni Claire.

Sila na ang nag-aaway ngayon, dahil kumakampi si Claire sakin at against naman si Kurt. "Usap tayo pagbalik ko dyan." Sabi ko sa kanila.

"Okay, magpapaalam narin kami." Si Claire na nakasuot pa ng uniform saka si Kurt. "Takecare." Malamig na sabi ni Kurt bago pinatay ang tawag.

"Who are they?" Napatalon ako sa gulat ng may magsalita sa likod ko. "Ahh. Mga kaibigan ko." tumango lang siya at umupo sa kama ko. "A-anong ginagawa mo?" tanong ko ng makita kong humiga siya roon. "Story time." He said.

"How can I tell you a story kung nakahiga ka?" kumunot ang noo niya. "Pwede naman yun ah, I'll still listen." He answered. Pwede nga yun, hindi lang ako comfortable.

"Where do you wanna start?" I asked.

"From the beginning of course." Inirapan ko siya, ang lakas ng loob na pilosopohin ako ah.

Hindi pa ako nagkekwento tumatawa na 'ko. Hindi ko parin makalimutan kung pa'no kami nagkakilala. He roll his eyes, "What's funny?" Tanong niya, hindi makarelate.

"I met you through internet...I just saw your account, hindi ko naman alam na kapatid ka ni Kate. So, I sent you a friend request." Ngumisi siya. "So, crush mo pala talaga ako una pa lang?" Umupo siya at magkapantay na kami. "Ang kapal ng mukha mo, hindi gano'n yun." I defended. "Defensive, hmmm." tumatango-tango pang sabi nito.

Kinuha ko ang cellphone ko at pinakita ko sa kaniya iyong picture ko noon sa batngas na kuha niya. "Look at this." Agad naman siyang tumingin doon, "You took it." nakangiting sabi ko sa kaniya. I scrolled to the left, naroon ang picture naming dalawa. "This is our first date in Batangas during the time you was courting me." Inilabas ko ang necklace na binigay niya sakin noong araw na 'yon na hanggang ngayon ay suot ko. "This necklace? it's from you because you said the airplane necklace symbolize as part of journey through life, Sabi mo I'm your life that's why you want me to be part of your journey." Paliwanag ko.

Mas lalong napunta ang atensyon niya roon ng nagslide ito at lumipat sa ibang picture. Lumabas yung picture ko na suot ang singsing na binigay niya sa 'kin. After he saw that, he turn his gaze to me. "Is that from me also?" Marahan akong tumango. "We're engage?" Walang ideyang tanong niya. Gaya ng ginawa ko kanina tumango lang ako ulit.

"You're supposed to be my wife rightnow, were you?" napalunok ako. "If you're not got married into someone else. Yeah, that should be us." Tumatangong sabi ko sabay kagat sa ibabang bahagi ng labi.

"Our divorce paper processed already, So..." He look me in the eye. I look away, "Hindi kapa ba inaantok?" Tanong ko. Hindi parin natatanggal ang tingin niya sa 'kin. "I want to know more." I sigh heavily, "Kd, you're not be able to beg your mind to remember everything, kusang babalik yan hindi kailangan pilitin na makaalala ka." Tumayo na ako at binuksan ang pinto, "Matulog kana, it's bad for your health to stay up late night." Kumumot ang noo niya, "Hindi naman ako bata." Inirapan ko siya at nakapameywang na sinamaan ng tingin. "Sino bang Nurse sa 'ting dalawa ha?" Tumayo na siya habang kumakamot sa ulo saka lumabas. "Okay, Goodnight." He just said at nakita kong naglakad na siya papunta sa kwarto niya. Nakahinga ako ng maluwag ng ako nalang mag-isa. Humiga ako agad sa kama, pagod na pagod ako sa maghapon. Hindi ko parin alam kung paano nangyari lahat, at hindi ko alam kung paano ko ipapasok sa utak ko lahat ng mga nalaman ko ngayon.

Secretly Dating My Best friend's BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon