"Bakit?" My voice broke while my eyes are still on him.
Malamig siyang tumingin sa'kin. Walang bahid ng pagsisisi ang ipinapakita niya.
Ang puso kong nasa itaas ay biglang lumagapak ng ganon lang...
Nanlalamig ako, ang aking dibdib ang napupuno ng galit.
Sa buong pagsasama namin, hindi ko inakalang aabot kami sa ganito. Pinangakuan na niya ako, matagal na kaming nagsama. Ilang beses ko siyang pinatawad, ilang beses akong nasira pero pinilit kong binuo ang sarili ko para sa'min. Dahil binigay ko ang lahat sa kanya, hindi ko alam kung nag kamali ba ako para gawin niya sa'kin to o sadyang hindi sapat ang pagmamahal niya para sa'kin.
"Saan ako nag kamali?" Marahan kong tanong, nanatili lang siyang tahimik at nakatingin sa kanyang mga paa.
"Nangako ka eh, ibinigay mo 'to..." Dahan dahan kong tinanggal ang sing sing na nasa daliri ko. Humigpit ang hawak ko sa baso na hawak ko unti unting nadurog ang piraso ng baso ko.
"Bakit ba hindi pa 'ko nasanay na puro pangako lang ang kayang ibigay?"
Namamanhid ang buong katawan ko, hindi ko maramdaman ang sakit. Is it possible to not recognize any kind of pain expect for the pain from the heart? It's really numbing my whole system. Unti unting pumatak ang dugo galing sa mga sugat.
Akmang lalapit siya pero pumikit ako, umiling at sinenyasan ko na huminto siya.
"Am I not enough?" Huminto siya at tumingin sa'kin. Nakita ko ang awa sa kanyang mga mata.
"Naka plano na ang lahat, mula sa bahay, negosyo, kasal na lang ang kulang, Craeolle... Bakit ngayon pa?" Nanghihinang tanong ko.
"Nandoon ako sa mula simula, ang hindi ko maintindihan kung bakit ngayong malapit mo nang marating ang lahat... saka ganito? Maayos naman 'di ba? Pinag bibigyan kita... Kahit hindi mo alam kung paano ko ulit nabubuo ang sarili ko pag tapos ng lahat. Nangako ka eh, nangako ka..."
Napaupo ako sa kinatatayuan ko, hindi ko ininda ang sakit na nagmumula sa mga sugat. Wala talaga akong maramdaman. Hindi siya nag sasalita, hindi ako nakakuha ng kahit anong explanation mula sa kanya.
Hindi ko siya maintindihan, nag hahanap ako ng sagot pero siya mismo hindi ako kayang sagutin.
What should I expect?
He cheated. And the worst, he cheated on my with the same girl that I forgave months away from my dream wedding.

YOU ARE READING
Too much, but not enough.
RomanceHow can you say it was a perfect love? When he gave you a ring? When he promised that he'll bring you to the altar? But promises are made to broken, when he didn't love you enough but you love him too much will broke you.