5

12 0 0
                                    


Court


Dumalas ang pagkain namin ni Craeolle sa labas, lagi rin akong tinutukso ni Ellie at Savannah tungkol sa'ming dalawa pero tinatawanan ko lang sila. I think Craeolle was just comfortable with me. We've shared a lot of stories, kaya mas lalo akong naging interesado sa kanya. He's from the Province of Davao. 

I asked him bakit dito niya napili na mag aral kung mapapalayo naman siya sa pamilya niya. He just said na for his future naman, so need talaga mag sacrifice. He was a student athlete. Ngayon, lagi kaming nag uusap sa text dahil kailangan niya na mag focus sa mga trainings since mag s-start na ang league nila. Luckily today he has a free time. Agad naman siyang nag aya kumain, but this time I told him na it's on me, since lagi siya yung nagbabayad ng mga pagkain namin.

"Huh? Do you know me before I interviewed you?" Gulat kong tanong habang kumakain. He also said that he understand English language but to caught my attention he chose to pretend not. I think it worked.

"Oo, dati pag P.E. niyo lagi kayong nasa court 'di ba?" He casually said.

"Uh huh, pero hindi kita nakikita," 

"Pero nakikita kita," He smiled.

"Okay?" I confusedly said.

"Kaya nga ako inaasar nila Coach nung ininterview mo 'ko. Pwede naman na siya na lang interviewhin mo pero binigyan pa rin tayo ng chance na magkatagpo. Lakas ko kay Lord," He joked.

Napangiti ako sa kanya. His sense of humor is too good, minsan hindi na namin namamalayan ang oras, by that I saw a haven on him.

"Ang ganda mo lalo na kapag naka pusod," He say out of nowhere. I was stunned, he's so straight forward! Buti na lang kakatapos ko lang lunukin ang pagkain ko kung hindi magagaya pa ako sa nangyari sa kanya dati.

"Ginugulat mo 'ko!" Saway ko sa kanya.

"Nakakagulat ba 'yon?" He acts like he was thinking 

"Oo, no one actually said that to me!"

"Ako na ang unang nag sabi," He grinned.

I just rolled my eyes and smiled. 

"You'll be busy this week?" I asked, he nodded so I nod back.

"Bakit? Mamimiss mo 'ko, Tathi?" He teased.

My face turned sour, kaya naman humalakhak siya. "Bakit naman hindi mo 'ko mamimiss, Ma'am?" He teased more.

"I'm busy," Naglayo ako ng tingin sa kanya, he continued to laugh kaya naman sumimangot ako.

"Samahan mo 'ko," Sabi niya ng naramdaman niyang hindi na ako nag sasalita.

"Saan?" Masungit kong sagot.

"Basta," 

Dinala niya ako sa isang lugar sa loob ng campus, hindi ko pa ito napupuntahan sa loob ng dalawang taon na pamamalagi ko rito sa university. It looks like a safe space for everyone, maluwag, may ilang mga bench at puno ng puno ang paligid.

"I didn't know the University have this," Manghang tanong ko.

"Hindi ka naman kasi ata gumagala rito," He chuckled.

"I have no time to make gala, Craeolle." I lazily said. Sinenyas niya sa'kin na umupo ako sa lapag, but my skirt is revealing once I do Indian seat so he get his bag, nagulat pa ako ng naglabas siya ng jacket agad niyang ibinigay 'yon sa'kin para matakpan ang mga hita ko. 

"Bakit wala kang time?" He asked his eyes were directly looking at me filled with curiosity.

"Hatid sundo ako ni Papa dati, ngayon may ginagawa silang malaking project kaya hindi ako nasusundo, puro hatid lang kasi along the way lang naman ang office nila rito sa university, sabay din ang oras ng pasok namin," I breathe a lot of air, "Saka ayoko silang ma dissapoint," nag baba ako ng tingin.

Too much, but not enough.Where stories live. Discover now