Understand
Hindi ako makagalaw, pinipilit kong ma proseso ang sinasabi niya. Ano? Ligaw? Bakit?
"H-uh?"
I confusedly asked, ramdam ko rin ang pag iinit ng pisngi ko dahil sa sinabi niya.
"A-ano, ligaw lang naman, pero wag sana akong mabasted ngayon," Hilaw siyang ngumisi sa'kin.
Namumula rin siya! I closed my eyes and smiled without flashing my teeth. Kumakabog ng malakas ang dibdib ko, hindi ko alam kung kinakabahan ba ako dahil kailangan ko mag bigay ng sagot sa kanya.
Nanglalamig ang kamay ko, kahit na sobrang init dito sa kinalalagyan namin ngayon, open area itong parking. Wala akong ibang naririnig kung hindi yung puso ko lang, para bang mag ka konekta sila ngayon ng sobra.
"Ah, ligaw lang pala eh," I chuckled.
"Pwede mo na din ako saguti nga--"
"Ligaw lang," I cut him off.
Ngumisi siya sa'kin. He's biting his lips! Parang natatawa siya sa ekspresyon na ginawa ko sa kanya. Lumapit siya sa'kin at biglang...
"Ang cute mo," bulong niya ng sobrang lapit sa tenga ko.
Halos manlaki ang mata ko at lalo akong namula dahil sa sinabi niya. I pinched my own palm to tame myself.
"U-uuwi na ako," I'm embarrased. Samantalang siya ang nakangisi pa din.
"Hahatid kita," He said and walk.
"No, may training ka, maliwanag pa naman," Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Masama ko lang siyang tinignan.
"Tara na!" Senyas niya sa'kin nang nasa pang limang hakbang na siya.
"No, bumalik ka na don!" Muling pag taboy ko sa kanya. Sumeryoso ang mukha niya, alam niyang hindi ako mag papatalo sa kanya.
Umiiling siyang lumapit sa'kin. "Okay, Ma'am, kahit sa terminal na lang," Marahang sabi niya. Iiling na sana ako ng bigla siyang nag salita na, "Kahit 'yon na lang, ha?" Inunahan niya ako.
I make face tapos bigla siyang tumingin sa'kin kaya naman bagsak ang balikat ko na lumapit sa kanya. Kinuha niya ang bag ko ng makalapit ako, ayoko pa sanang ibigay dahil nahihiya ako.
"Hindi ko naman itatakbo 'tong bag mo," He rolled his eyes.
"Wala akong sinabi, defensive ka," Natatawang sabi ko.
Sinabayan niya ako sa pag lalakad, pero kung anong kinabilis ng lakad ko yun ang kinabagal ng sa kanya.
"Huy!" Tawag ko sa kanya. "Bakit ba ayaw mong mag madali? Malalate ka na!" Sigaw ko para mag madali siya.
Inintay ko siyang makalapit. Yung kaninang saya sa mata niya ay napalitan ng pagod.
"Anong problema?" Mahina kong tanong ng makalapit siya.
He sighed. "Wala, Ma'am," he smiled but his eyes were still tired.
"I know you," I spat.
Umulit nanaman siya sa buntong hininga niya.
"Si coach kasi, parang nag iisip na umalis," He tiredly said.
He look so lost, he's that attached to his coach I think. So I asked him.
"Bakit raw siya aalis?" I sound so sincere.
"May mas malaki atang offer sa kabilang school," Malamig niyang sabi habang patuloy kami sa pag lalakad. I slowly nodded.

YOU ARE READING
Too much, but not enough.
RomanceHow can you say it was a perfect love? When he gave you a ring? When he promised that he'll bring you to the altar? But promises are made to broken, when he didn't love you enough but you love him too much will broke you.