8

8 0 0
                                        


Yes


Mabilis na nakalapit si Craeolle sa pwesto namin, dahil sa likod lang naman ng bench nila kami talaga uupo. 

Agad kong inabot sa kanya ang binili ko kanina.

"Thank you, Tathi!" He said. Sobrang laki naman yata ng ngiti niya?

"Happy idol ha," Bati sa kanya ni Savi na ngayon lang 'ata naka-recover. Crae chuckled.

"Sabi kasi nito hindi siya makakapunta," Sabay turo sa'kin.

"Surprise nga eh!" Natatawang sabi ko sakanya. Narinig namin ang tawag sa kanya ng mga team mate niya, mukhang hinahanap na siya ng Coach nila. Sumenyas siya ng sandali. "Go na, mag start na ata kayo,"

Tumitig siya sa'kin at tinignan ang hawak niyang bote. "Salamat talaga," Tumingin ulit siya sa'kin.

Bumaba na siya agad dahil tinawag na siya ng mga team mate niya sa baba. He just wave while going back to the bench.

The game started, he was the shooting guard of the team. Magaling siyang gumawa ng puntos, he always doing the backs out thing, that's why in rebound the ball is always on his hand. Yung tipong ako ang kinakabahan dahil ang lalaki ng mga kasabayan niya sa ilalim ng ring. Yung mga 7' footer na import ata ang kasabay niya sa ilalim. 

"Kalma 'te," Sita ni Savi sa gilid ko.

"Nakakakaba pala manood nito," I breathed a lot of air tapos napainom rin ako sa tubig dahil pinipigil ko ang pag hinga ko kapag naroon siya sa ilalim.

"Kaya nga, kumalma ka!"

Wala akong nagawa kung hindi palihim na mag dasal na sana hindi siya mapahamak sa ginagawa niya.

Magkasalikop ang kamay ko, pumapalakpak pag nakakashoot ang team, pero pag si Craeolle ang nakakapasok ng bola parang gusto kong tumayo at tumalon.

"Go, Craeolle!" I stand up and shouted unconsciously. Nagulat ako ng napahinto siya at patuloy pa rin sa pag d-dribble ng bola. Maingay kanina bat biglang tumahimik?

Hinanap ng mga mata niya ang mata ko. Parang gusto ko na lang na kainin ng lupa!

He grinned at me and passed the ball on his teammate. Lalo ata siyang ginanahan! Mabilis siyang pumupunta sa gitna para lang maka-shoot kahit na sobrang lalaki ng tao sa harap niya.

Tawang tawa si Savi sa nangyari, kaya naman mariin ko siyang tinitigan at inirapan.

Bwisit talaga!

"Nako, Savannah!" I hissed, padarag din akong naupo sa upuan. "Pahingi akong tubig! Nakakauhaw pala 'to!" Reklamo ko.

Bakit kasi kanina ang ingay ingay naman, nung nagsalita ako saka dun lang tumahimik? 

The game finished, nanalo sila. Craeolle score much, marami rin siyang rebound and assist. Grabe 'di ba? Ganadong ganado mag laro eh, epekto ata ng gatorade sakanya 'yon.

"Tathi, antayin mo 'ko ha," Craeolle said while he was holding his towel. Pinupunasan niya ang katawan niya.

I just nodded, wala naman akong choice eh. Iintayin talaga kita. Savannah said that she needs to leave but she also said that she will leave once Craeolle's already here. 

Ilang sandali lang nakita ko na si Craeolle na naglalakad papunta sa'min. Hinatid namin si Savi sa kanyang sasakyan. 

"Ikaw na ang bahala d'yan, Craeolle ha!" Bilin ni Savi.

"Yes, Mama," I answered in behalf of Craeolle. She quickly shift her gaze from Crae to mine. She rolled her eyes on me.

"Mama your face!" Inis na singhal niya.

Too much, but not enough.Where stories live. Discover now