7

10 0 0
                                    


Surprise


"Napakainit naman!" Reklamo ni Savi habang narito kami sa may parking lot inaantay si Ellie. It's Friday and the Sun is burning us. Sinabi niya na malapit na siya sa group chat kaya naman nag antay na rin kami para sa kanya.

I wipe some sweat dripping from my forehead, I bun my hair. Ang tagal naman ni Elliana?!

I texted Craeolle my doings for him to be updated.

He replied that his tune up game will be on Saturday Evening, kailan ba kami aalis?

Wala pang sinasabi si Papa kung kailan at hindi pa rin kami nag kikita muli simula nung hinatid niya ako last time, kung hindi siya late gumigising, nauuna siyang umalis. Kaya naman nag co-commute na lang kami ng mga kapatid ko.

When Ellie came binilisan na lang namin na mag lakad para mauna ang Registrar, may kailangan kaming kunin sa kanila para makapasok sa susunod na klase.

"Ang tagal mo, Elliana!" Bulyaw pa sa kanya ni Savi nang bumaba siya.

Mukha din naman siyang nagmamadali kasi gulo gulo din ang buhok niya ng bumaba ng sasakyan. Parang hindi nag suklay. 

"Sorry, traffic!" Nag pakita pa siya ng peace sign samin.

Savi gave her a comb, saka niya inirapan si Ellie. Hilaw na ngumiti si Ellie sakanya.

Hindi pa gaano kahaba ang pila sa registrar ng pumila kami. Kaya naman agad kaming natapos at pumanik sa classroom. Mabilis din nag dismiss ang Prof dahil Exam week na sa Monday. 

Tuesday nang nangyari iyon, pero ayokong sabihin kay Mama dahil hindi ko pa naman alam kung ano ang totoo. Mas maganda na may hawak akong ilang mga patunay kung totoo man ang hinala ko. Parang iniiwasan din ako ng Papa ko.

I sighed heavily.

Bakit kailangan ko pang isipin 'yon habang ang gusto ko lang naman ay mag aral? Gusto kong murahin ang sarili ko dahil hindi tama itong nangyayari sa'kin.

Maagang umuwi ang dalawa at nag pa iwan naman ako. Craeolle ask where I am, I replied that I'm in the library, studying my syllabus. I'll wait for him till he finished his training today, dahil alam niyang wala ako bukas.

Mula sa pag kakahawak sa hawak kong mga papel ay nag angat ako ng tingin sa taong nasa harap ko.

He's smiling from his ear, his brown eyes are smiling too.

He held me a coffee.

"Kailangan mo 'to," Malambing niyang sabi.

Yeah, much needed. But I need you, more.

"Thank you," I said softly.

Umupo siya sa tabi ko, kinuha na lang din ang notes niya para makapagbasa basa din. 

Minutes passed, wala pa ring pumapasok sa isip ko, kahit anong basa ko, kahit paulit ulit, hindi mawala sa isip ko 'yung sa Papa ko. 

Pumikit ako, gusto kong ibato ang papel na hawak ko sa inis ko, pero mag tataka si Craeolle. Dapat pala umuwi na lang ako, sa kwarto pwede kong gawin yon kung na f-frustrate ako.

"Lukot na 'yang syllabus mo," Sabi ni Craeolle at agad akong napadilat ng mata.

Tumingin ako sa gawi niya at nakita ko na mataimtim siyang nakatingin sa'kin na para bang binabasa ang nasa utak ko. Pero agad niya itong binawi at nakita na bigo siya sa gusto niyang makuha.

"I heard my Papa talked with someone over the phone," I breathed heavily when I started.

Craeolle stayed silent, ready to hear what I can't say. 

Too much, but not enough.Where stories live. Discover now