Boyfriend
"You let him decide?! Ang bagal mo talaga, Tathriana!" Sermon sa'kin ni Savi ng kinuwento ko sa kanila ni Elliana sa phone.
"Nagulat din ako!" I said, almost shouting.
"Pero gusto mo rin 'di ba?" Natatawang sabi niya, "Pero ang magaling na Craeolle, inunahan ka!" She burst into laugh.
Bwisit, bakit ko ba kinuwento sa dalawang 'to.
"I know, dyan din kayo papunta, Tathriana," Elliana's soft voice said.
"H-huh?" Naguguluhan na tanong ko.
"Anong huh huh ka dyan?" Savi mocked me.
Napairap ako sa hangin.
"Una, parang laging hinahanap ng mata si lagi si Craeolle. Pangalawa, nag seselos kay Ezra,"
"Ha?! Anong.. a-anong--"
"That's right," Elliana cut me off.
Humalakhak naman sa kabilang linya si Savannah.
Am I that obvious? Yes, this is the first time I've been attracted pero hindi ko naman inexpect na ganyan sila mag observe. Na kahit maliliit na detalye, napapansin nila.
Natapos ang pag uusap namin, walang ginawa ang dalawang 'yon kung hindi asarin ako. Pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kanina.
Kami na?
Kami na.
"Oh, September 27 pala ngayon," He just reminded me of the day today.
I just nod and smiled. Hindi pa rin nag si-sink in sa'kin ito.
Hinatid niya ako sa gate ng subdivision namin ng hindi natatanggal sa mukha niya ang ngiti. Hindi rin siya gaanong nag sasalita, lagi lang siyang nakatitig sa'kin. Hanggang makasakay ako ng tricycle ay kumaway siya at ngumiti ng matamis.
I'll never get tired of seeing his smile.
Nakita ko ang mga messages ni Craeolle na nag u-update ng bawat galaw niya pauwi. He's good in giving me his whereabouts. Nang makabalik siya sa dorm niya ay nag paalam akong matutulog na.
Nagising ako sa katok sa pintuan ko. Kahit ayoko pang bumangon dahil mukhang wala pang araw, napabangon ako.
"Nak, gising na. Aalis tayo," Narinig ko ang boses ni Mama sa labas. Napatingin ako sa orasan sa cellphone ko. Nakita ko na alas tres pa lang ng madaling araw. Ganon ba kalayo ang pupuntahan namin? Bakit parang sobrang aga naman naming aalis?
"Opo, Mama," Ang tangi kong nasagot.
Nakapikit pa ako ng kinuha ko ang tuwalya ko na nakasabit sa gilid ng cabinet ko. Mabilis akong naligo dahil ayokong maging cause of delay, pwedeng ako mag intay sa kanila pero ayoko na sila ang mag hihintay sa'kin. Nakakahiya.
I also text Craeolle that we're leaving this early. I bet he's still sleeping that's why hindi pa siya nag re-reply.
I fixed my things, also I get a bag wherein I can put my t-shirt. Alam ko naman na medyo mainit doon sa pupuntahan namin kaya kailangan ko ng pamalit. Hindi rin naman hassle kasi may sasakyan naman. Ilalagay ko na lang 'to sa likod.
Naabutan ko si Mama sa kusina ng makababa ako, inaayos niya ang ilang snacks para sa byahe. Kaming lima lang naman ang b-byahe. Wala pa si Papa at ang kambal kaya naman tinulungan ko muna si Mama na ilagay sa kanyang eco-bag ang bitbitin.
"Nak, dalin mo yung tumbler mo ha," Paalala niya sa'kin, dahil alam niyang hindi ako nakikiinom sa ininuman na ng iba.
"Yes Mama, kunin ko po," Good thing she reminded me about that.
YOU ARE READING
Too much, but not enough.
Roman d'amourHow can you say it was a perfect love? When he gave you a ring? When he promised that he'll bring you to the altar? But promises are made to broken, when he didn't love you enough but you love him too much will broke you.