Chapter 16 - Not yet
Ito na nga ba ang ikinatatakot ko.
Pagkakita ni mama kay Ushijima kanina, hindi na niya napigilan ang sarili at dali-daling pinapasok ang kasama ko. Napaisip nga ako kung nakita rin ba ako ni mama o sadyang nawalan na siya ng pakialam sa akin nang makita ang hinahangaang lalaki.
Ngayon, nasa sala si Ushijima nakaupo habang si mama ay nasa kusina at pinagtitimpla ang bisita ko. Sabi ko kay mama na huwag na dahil hindi naman magtatagal si Ushijima pagkatapos kong maibigay ang jacket pero itong si mama, parang hindi narinig ang sinabi ko. Nasa kay Ushijima lahat ng atensyon niya. Hindi man lang siya nakapagpalit ng damit.
My mom really fancy Ushijima, huh?
Bumaling ako kay Ushijima. "Maiwan muna kita. Kukunin ko lang yung jacket mo sa itaas," sabi ko at muling tiningnan si mama sa kusina. Ayun ang saya-saya ng awra niya. "Kapag may sasabihin sa'yo si mama, huwag kang maniwala."
Ngumiti siya atsaka tumango. "Okay."
Pagkatapos nun ay umakyat na ako sa kwarto. Kinuha ko agad ang jacket na nasa cabinet ko at dahan-dahan tinupi, isinilid ko din ito sa isang paper bag. Bago ako lumabas, nagpalit muna ako ng pambahay. Nahagilap ko pa sa study table ko ang nakaframe na litrato naming magkasama ni Tetsu noong grade school pa lang kami.
Ito yung panahon na binisita namin siya dito sa Sendai. May napansin rin akong kakaiba sa litratong ito, hindi ko lang matandaan kung saan ko nakita.
"It's been a long year since that picture was taken. Grade school pa lang ako niyan ng makilala ko ang batang 'yan." Bigla na lang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Ushijima kanina tungkol dun sa litrato niya.
Naawang ko ang bibig nang may marealize. Yung suot ko sa litrato na kasama si Ushijima at itong suot ko kasama si Tetsu ay pareho.
Ibig sabihin, talagang nagkita na kami noon pa ni Ushijima. Pero bakit wala akong maalala sa kanya?
"Wow," sabi ko na lang.
Narinig ko bigla ang tawa ni mama sa baba. Shit! Oo nga pala, iniwan ko si Ushijima kasama si mama. Muntik ko nang makalimutan.
Bumaba na ako dala-dala ang paper bag na may lamang jacket atsaka pumasok sa sala. Nadatnan ko silang dalawa na may hawak na photo album. Natatawa pa si mama habang tinuturo kung ano man 'yung tinitingnan nila at si Ushijima nama'y napapangiti, nageenjoy pa yata.
Lumapit ako sa kanila.
"Cute," rinig kong sabi ni Ushijima sa isang baby photo ko.
Doon lang pumasok sa utak ko na ang hawak pala nilang photo album at ang pinagtatawanan nila ay ang photo album ko noong bata pa ako. Dali-dali 'kong tiniklop ang album at kinuha ito sa kanila. Nagulat naman sila sa ginawa ko.
"Anak, hindi pa kami tapos," wika na mama. Nanghihinayang siguro siya dahil hindi niya naipakita kay Ushijima ang mga nakakahiya pang litrato ko noon. Mabuti na lang at naagapan ko pa. Kamuntikan na talaga.
"Tama na po. Kailangan nang umalis ni Ushijima dahil may practice pa sila."
Sa sinabi ko, agad tumayo si Ushijima at nagpasalamat kay mama. Nalungkot agad ang number 1 fan ni Ushijima ng magpaalam na siya. Kahit ayaw pa sana mama, wala na siyang nagawa kundi pumayag. Gusto pa niyang magtagal si Ushijima kasi ipagluluto pa niya daw ito.
"Bumalik ka ulit, hijo, ha? Siguradong ipagluluto na talaga kita. Sabihin mo lang sa akin kung anong gusto mo, akong bahala."
"Opo, babalik po ako. Maraming salamat po ulit."
BINABASA MO ANG
Captain Series #1: The Ace's Euphoria (Ushijima Wakatoshi Fanfic) | COMPLETED |
Fanfiction| C O M P L E T E D | ✨The Ace and the Photojournalist✨ Two souls don't find each other by simple accident. If two points are destined to touch, the universe will always find a way to make the connection - even when all hopes seems to be lost. Certa...