| 14 | - Photobooth (SF #2)

82 2 0
                                    

Chapter 14 - Photobooth (SF Part 2)

Pagpasok ulit ni Ushijima sa cafeteria, nadatnan niya si Tendou sa pinto na naghihintay. Nang makita siya ng kaibigan na papalapit ay agad siyang sinalubong nito. Hindi naiwasang itanong ni Tendou ang nangyari kanina nang makalabas na sila sa cafeteria.

"Anong napag-usapan niyo? Mukha atang seryoso dahil nasa labas talaga kayo," wika ni Tendou. Gusto sana niyang sumunod kanina kaya lang mas minabuti niyang huwag na, baka kasi ano pa ang maririnig niya.

Diretso lang ang tingin ni Ushijima at sumagot. "Tinanong niya kung bakit galit akong sumulpot kanina."

Hindi na nagtaka si Tendou. Sa ikinilos ng kaibigan kanina, mapapaisip talaga si Kaita kung ano ang problema dito. "Anong sagot mo?"

"Wala."

"Ha? Wala? Ba't naman? Sinabi mo sanang nagseselos ka," hindi na napreno ni Tendou ang bibig. Iyon naman talaga ang dahilan eh. Nagseselos si Ushijima dahil may kasamang iba si Kaita at masaya ito. Tsk! Ayan tuloy mukhang naunahan na.

"But I told her," biglang usal ni Ushijima pag-apak sa kanilang building.

"Told her about what?"

"That right after the Qualifiers, may sasabihin ako sa kanya," napatigil si Tedou sa paglalakad at napatingin sa kaibigan. Sa sinabi nito, alam na niya agad ang ibig sabihin. Mahina siyang natawa atsaka nilapitan si Ushijima, inakbayan niya ito.

"Ha! Bakit ngayon mo lang naisip 'yan?" napailing si Tendou. "But that's great, Wakatoshi-kun. Sa wakas hindi kana torpe," at bigla siyang tumawa.

Ngumiti si Ushijima. "That's why we have to win the Qualifiers and go to Nationals."

"Nationals, huh?" ngising sabi ni Tendou. "Sa simula pa lang, iyan na ang plano."

***

[KAITA]

Inihatid ko sa Ren papalapas ng campus. Dapit hapon na nang matapos ang unang araw ng festival. Pinadalhin din namin siya ng isang box ng cheesecake bilang pasasalamat. Nang makarating kami sa gate, nagpasalamat ulit ako sa kanya.

"Wala yun, masaya akong makatulong sa inyo kahit isang araw lang," nakangiting sabi ni Ren kaya napangiti na rin ako. Ganitong-ganito ang mga ngiti niya kaninang tanghali pagbalik ko sa room. May kakaiba sa mga ngiting yun kaysa sa kaninang umaga.

May nangyari ba habang wala ako?

"Ano ba, wala yun!" winasiwas ko ang kamay sa harap. "Ang laki ng itinulong mo sa'min. Ewan ko kung sapat na 'yang cheesecake pambayad sa'yo. Gusto mo cash na lang?" biro ko sa kanya.

Mas lalong natawa si Ren atsaka umiling. "Ayos na sa'kin 'to. Salamat. So, kailangan ko ng umalis," paalam ni Ren at nagsimula na siyang maglakad papalabas ng gate. Kumaway ako sa kanya at ganun rin siya.

Nang mawala na siya sa paningin ko, bumalik na ako sa building namin para ayusin ang mga kagamitan. Nadtanan ko ang mga kaklaseng abala na kaya dumiretso ako sa counter at doon inayos ang mga nagamit namin sa hapong ito. Patapos na ako nang magpaalam na ang mga kasama ko.

"Good work everyone!" sabi ni Seri sa amin. "Bukas ulit!" dagdag niya pa.

"Kaita, tapos kana ba?" tanong ni Sein mula sa counter. Nasa balikat na niya ang bag at handa ng umuwi. Napabilis ang galaw ko sa nakita kaya wala pang limang minuto ay tapos na ako.

"Okay, tapos na," sabi ko atsaka inilagay ang huling baso sa karton. Kinuha ko ang bag na nasa itaas ng mesa at sumunod kay Sein. Pababa pa lang kami sa first floor ng makasalubong namin si Murase-san at ang mga kaibigan niya, nakatungo ang mga ulo.
Tanging siya lang ang taas-noong hinarap kami.

Captain Series #1: The Ace's Euphoria (Ushijima Wakatoshi Fanfic) | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon