5 years later...
LA, California[ KAITA ]
"Ma, nakita mo yung salamin ko? Nakalimutan ko kung saan ko nailagay," tanong ko kay mama nang makapasok sa kusina. Kanina pa ako naghahanap sa kwarto, halos bumaliktad na ang mga gamit ko pero hindi ko pa rin nakikita.
"Wala ba sa itaas ng piano? Doon ko nakita kanina."
"Ah! Oo nga pala," napakamot ako sa ulo at tinungo ang piano. Tama, tumugtog pa pala ako kanina pagkatapos kumain bago pumanhik sa itaas para maligo. Gaya ng sagot ni mama, nandoon nga. Agad ko itong kinuha at sinuot. Gosh! Ano na lang kaya ang gagawin ko kapag naiwala ko talaga ito. Mapapatay talaga ko ni papa. "Ma! Alis na po ako!"
"Mag-iingat ka sa daan. Pakisabi sa papa mo na maagang umuwi."
"Opo! Bye!"
Lumabas na ako ng bahay at tumungo muna sa garage area. Inan-lock ko ang bisikleta at inilagay sa basket nito ang dalang lunchbox at bag. Bago ako tutuloy sa library, dadaan muna ako sa ospital para ihatid 'tong baon ni papa. Nakalimutan na naman niya. Nako talaga, nagiging ulyanin na ni si papa. Sana hindi ako matulad sa kanya.
"Good morning, Kaita."
Napalingon ako sa bumati sa'kin sa kabilang bakod. Nang mamukhaan ko kung sino ito, nanlaki ang mga mata ko. "Realm? Is that you? H-How—" he shushed me then he smiled.
"I know what you wanted to say—How did I ended up here? Well, it's a long story."
Hindi pa rin ako nakabawi sa pagkagulat, natawa ako. "Wow," tanging nasabi ko atsaka tumingin sa ibang direksyon. Kailangan kong makaisip ng sasabihin. "Are you bluffing?"
Realm chuckled in amusement. "Of course not."
"But that house—you're suppose to be in Korea right now."
"I bought it."
"Why?"
Nagkibit-balikat siya atsaka umiwas ng tingin. "I didn't return. I went to another place."
"But you're studying—" napahinto ako sa sasabihin nang tuminging muli sa akin si Realm na may mga seryosong mata. I pursed my lips as if I said something wrong. "Why are you looking at me like that? Is...there something on my face?" I asked him as he keeps on staring at me.
Hindi siya sumagot. Nanatili pa rin siyang nakatitig sa'kin hanggang sa nakaramdam ako ng pagkailang. Hindi naman siya ganito 'nong huli naming pagkikita, ah? He's jolly, friendly, and a joker. Ano bang nangyari sa kanya two years ago pagkatapos ng therapy namin? Dahil sa pagkailang, dali-dali akong sumakay sa bisikleta, pero bago pa ako makaalis, natigilan ako sa sinabi niya.
"I like you, Kaita."
****
Pagakatapos kong maihatid ang lunchbox ni papa sa ospital, tumuloy na agad ako dito sa City Library. Iniwan ko ang bisikleta sa nakalaang parking space at pumasok na sa loob. Hanggang ngayon, namamangha pa rin ako sa ganda ng library. Sa gitna kasi nito ay may isang grand staircase at chandelier sa pinakagitna. Samahan pa ng magarbong architectural designs na halos hindi ko maipaliwanag dahil sa sobrang ganda.
Gaya ng nakagawian ko, inakyat ko ang mala-fairytale na grand staircase ng City Library. Feeling ko isa akong Disney Princess na walang Prince Charming. Natawa ako sa naisip at napailing. Para akong elementary.
Nang makarating ako sa itaas, hinanap ko kaagad ang mga librong gagamitin at hihiramin. Habang nakapirme ako sa isang section, nakaramdaman ako ng isang kakaibang presensya sa paligid. Parang...parang may nagmamasid sa'kin mula sa malayo. Lumingon ako at hinanap kung saan ito nagmumula. Maliban sa mga taong abala sa pagbabasa at pagsusulat, wala akong nakitang kakaiba.
BINABASA MO ANG
Captain Series #1: The Ace's Euphoria (Ushijima Wakatoshi Fanfic) | COMPLETED |
Fanfiction| C O M P L E T E D | ✨The Ace and the Photojournalist✨ Two souls don't find each other by simple accident. If two points are destined to touch, the universe will always find a way to make the connection - even when all hopes seems to be lost. Certa...