| 22 | - Mischance

45 4 0
                                    

Chapter 22: Mischance

Today is the fifth day of the Prefectural Qualifiers. Our team already made it in the semi-finals which is already happening right now. Isang laban na lang at siguradong sila ang magrerepresent sa Miyagi Prefecture sa Nationals. Though inaasahan na namin na mangyayari iyon, we still give our support for the team. Hindi basta-basta ang mga nakalaban nila nitong mga nakaraang araw, marami ang magagaling, almost on their level. But Shiratorizawa Volleyball Team proved that they're still the best. That they paved the way.

It's almost lunch time at nasa huling subject na kami ngayong umaga. My mind was wandering the whole duration of the class, kahit nakikinig ang mga tenga ko sa lessons, hindi ko maiwasang isipin na pagkatapos ng araw na ito, ako naman ang sasama kinabukasan sa Sendai Gymnasium. Sa totoong lang, kinakabahan ako and at the same time naeexcite. Ganito ba ang nararamdaman nina Usui, Mika, Ino, Kiara, at Saito? Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin bukas. Andaming senaryo ang pumapasok sa isip ko na nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa dibdib ko.

Huminga ako ng malalim at ikinalma ang sarili. Kung ano man ang mangyayari bukas, ipinapanalangin kong maging maayos ito.

Tapos na ang klase namin, nagsilabasan agad ang mga kaklase ko pagkatapos tumunog ng bell upang mananghalian. Ako naman, naisipan ko pang ibalik muna sa locker area ang mga gamit bago tumuloy sa cafeteria. Wala pa naman sana akong balak na pumunta sa cafeteria pero nag-insist itong si Sein na samahan ko siya. After kong mailagay sa locker ang gamit, tumuloy na nga ako.

Nakisabay ako sa agos ng mga kapwa estudyante patungong cafeteria. Ang ilan sa kanila ay natatakbo pa upang makauna sa pila. Pagkarating ko, agad kong hinanap ang kulay abo niyang buhok sa nagkalat na mga estudyante. Ilang sandali pa, nagtagpuan ko siyang nakaupo sa isang mesa na tanging exclusive lang sa Basketball Team. Naningkit agad ang mga mata ko. Wow, kailangan pa siya nagkaroon ng kaibigan sa grupo na 'yan?

Hindi ko na siya tinawag pa at nilapitan na lang.

"Hoy Sein," pagkukuha ko sa atensyon niya nang marating ko ang mesa nila. Good thing nasa pinakagilid siya ng mesa kaya madali ko lang siya nakalabit. Mabuti hindi napansin ng basketball team ang presensya ko dahil abala ang mga ito sa kinakain at usapan. Napalingon sa akin si Sein at nginitian ako nang makita.

"Ah mabuti nandito ka na," sabi niya atsaka muling humarap sa sinamahang grupo. "Guys, exit na'ko. Nandito na kasi ang kasama ko. Thank you sa pag-invite."

"Sige, Sein. Sa susunod ulit," sagot nila at nang makita ako, "Hi, Kaita!" Halos sabay-sabay nilang bati sa'kin.

Ngumiti ako sa kanila. "Hi. Kukunin ko na si Sein."
"Sige," sabay-sabay ulit nilang sagot.

Nang makaalis kami sa mesa ng Basketball Team, naupo kami sa inereserbang mesa ni Sein. Pangiti-ngiti ito habang nginunguya ang curry bun na binili. Gusto ko sana siyang tanungin kung paano siya napunta sa mesa ng grupong 'yun kaso nag-iba ang isip ko. Siguro meron nga siyang kakilala doon, pala-kaibigan din kasi ang babaeng 'to. Andaming koneksyon.

"Di'ba bukas na ang punta mo sa Sendai?" tanong niyang habang kagat-kagat ang tempura. Pinagmamasdan ko lang siya habang kumakain. Tumango ako. "Pasalubong ha."

Kumunot ang noo ko. "Anong pasalubong? Prefectural Qualifier ang pupuntahan ko hindi maggagala," sabi ko atsaka kinuha ang huling takoyaki niya. Napanguso siya at halatang dismayado sa naging tugon ko.

Pagkatapos kumain ni Sein, lumabas na kami sa cafeteria at tumungo muna sa library para humiram ng librong gagamitin mamaya sa klase. May ilang minuto pa kaming natitira bago magsimula ang panghapong klase. While scanning some of the books, bigla kong naramdaman sa bulsa ng uniform ang pag-ugong ng cellphone ko. Patago kong inalabas ito at tiningnan kung sino ang tumawag.

Captain Series #1: The Ace's Euphoria (Ushijima Wakatoshi Fanfic) | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon