Chapter 8 - Tag along
Tinanggal ko ang salamin pagkatapos ay hinagod ang mga mata. Ilang oras din ang iginugol ko sa pag-eedit nitong poster at sa wakas ay malapit na itong matapos. Tumayo ako at nag-inat muna nang mahalata ko ang paper bag. Oo nga pala, hindi pa ako kumakain ng pananghalian. Kinuha ko ito at sinilip ang loob. Bigla tuloy akong nakonsensiya nang makita ang laman nito. Paano niya nalaman?
"Kaita, uuwi ka na ba?" Tanong ni Chia-san na abala sa kanyang sariling laptop.
"Opo."
"Sabay tayong lumabas, ah."
"Okay po." Sabi ko at nagsimula nang magligpit ng gamit. Hinintay ko pa ng ilang sandali si Chia-san hanggang sa matapos siya. Sabay kaming lumabas ng club room at pababa na sa second floor nang madatnan namin sina Ushijima at Tendou na dumaan.
Sumabay kami sa kanila hanggang sa main gate ng academy. "Oh ano, mauuna na ako sa'yo Kaita." Paalam ni Chia-san. Tumango ako at nagpaalam na rin. Hinatid ko ng tingin si Chia-san hanggang sa makalayo siya.
Hinarap ko agad ang dalawa. "Saan nga pala kayo pupunta? Wala na ba kayong ensayo ngayon?"
"Kakatapos lang. May pupuntahan lang kami saglit ni Wakatoshi." Sagot ni Tendou. Tumango na lang ako at nagsimula nang maglakad.
***
One week later...
Pagkatapos ng huling subject namin sa umagang ito, agad akong dumiretso sa club room para kunin ang mga posters. Ibibigay ko na ito sa volleyball club mamaya bago tumuloy sa Karasuno. Noong Wednesday ko lang pinal na natapos ang pageedit sa poster ni Ushijima, kinabukasan ay pinublish ko na. Ayon kay Chia-san, napakapulido daw ng pagkakagawa na sinang-ayunan naman ng mga kasama ko.
Paano kasi, gabi-gabi akong pinagsasabihan ni Tsutomu na ayusin dahil nakakahiya daw sa coach nila kung mukhang basura ang pagkagawa. Kahit hindi niya sabihin, gagawin ko pa rin naman ng tama. Napakasegurista niya lang talaga.
"Kaita, aalis ka na?" tanong ni Kiara habang inaayos ko ang posters. Inilagay ko na rin sa bag ang mga gamit na kakailanganin ko.
"Oo," sinukbit ko sa balikat ang bag. "Aalis na ako. Ipagpaalam niyo ko kay Chia-san ah."
"Oo naman!"
Lumabas na ako ng club room at bumaba na ng Science Building. Tinahak ko ang daan patungong gym. Sa ganitong oras ay malamang nagpapractice na naman sila. Nang malapit na ako, nakita kong lumabas si Kenjiro, Hayato, at Taichi sa gym at mukhang may pupuntahan. Hindi naman nila ako nakita dahil sa kabilang daan sila dumaan. Akala ko ba may practice sila?
Nagkibit-balikat na lang ako at dumiretso na lang. Pagpasok ko, nagpapractice nga sila. Nilingon ko muli ang tatlong papalayo. Nakakapagtaka naman. Kaliwa't kanan ang ibang miyembro sa pagpapractice para sa darating na qualifiers tapos ang tatlong iyon ay nagawa pang maglakwatsa. Alam ba ito ng coach nila?
"Manager Asike, magandang tanghali po." Bati ko ng makapasok.
"Oh, Ms. Ishikawa, magandang tanghali din."
Kinuha ko sa bag ang poster nila at ibinigay sa kanya. "Manager, ito na po ang poster niyo. Natapos ko na."
Kinuha naman iyon ni Manager Asike atsaka isa-isang tiningnan. "Ang galing. Maraming salamat, Ms. Ishikawa, malaking tulong talaga ang ibinigay niyo sa'min."
Ngumiti ako. "Wala po yun. Sige po, aalis na po ako." Paalam ko.
"Sige, Ms. Ishikawa."
Lumabas na ako ng gym at papunta na sa main gate ng mapagtanto kong dito din dumaan sina Kenjiro kanina, ang daan na ito ay papunta sa gate. Kumunot ang noo ko. Anong gagawin nila doon at isa pa, hindi sila nakapractice attire kanina o nakauniform. Nahihiwagaan ako sa tatlong yun. Talagang sila ang nakita ko kanina?
BINABASA MO ANG
Captain Series #1: The Ace's Euphoria (Ushijima Wakatoshi Fanfic) | COMPLETED |
Fanfic| C O M P L E T E D | ✨The Ace and the Photojournalist✨ Two souls don't find each other by simple accident. If two points are destined to touch, the universe will always find a way to make the connection - even when all hopes seems to be lost. Certa...