| 24 | - That Voice

37 0 0
                                    

Chapter 24 - That Voice

Three days have passed since Kaita's accident. Sa tatlong araw na yun, naging stable na rin ang lagay niya hanggang sa inilipat siya sa isang private room. The machines connecting to her were still there; she was still in a coma. Marami-rami na ang dumadalaw kay Kaita sa mga sumunod pang araw—mga kaklase, kaibigan, kakilala, at minsan ang volleyball club. Hindi nila pinapalampas ang araw na hindi nila madadalaw si Kaita, as if naging routine nila na kada hapon, pagkatapos ng klase, ay pupunta sila sa ospital.

Araw ng Sabado, dalawang linggo na ang nakakalipas, napagpasyahan ng volleyball club na dumalaw pagkatapos ng kanilang practice. Hapon na nang makalabas sila sa academy, lulan sila ng sasakyan ni Manager Asike habang binabaybay ang kahabaan ng Central Highway. Hindi rin nila nakalimutang magdala ulit ng bulaklak para kay Kaita.

Nang makarating sila sa ospital at maipark ng manager ang sasakyan, isa-isa silang nagsibabaan. They were all dressed up, animo'y gagala lang. Pumasok sila at tinungo ang third floor, hinanap ang room 223 at bahagyang kumatok. Bumukas naman ito ng ilang sandali at bumungad sa kanila ang kagigising lang na si Tsutomu.

"Tamang-tama. May pagkain kayo?" tanong niya sa mga bisita nang makapasok ang mga ito. Bumalik siya sa hinihigaang sofa at humiga.

"Anong tingin mo sa'min? Food courier?" sabat ni Shirabu. "Heto, alam naming maghahanap ka," atsaka niya inilapag sa lamesita ang dalang pagkain. "Patay gutom ka talaga."

Ngumisi lang si Tsutomu at muling bumangon, binuksan ang paper bag at inilabas ang mga pagkain. Natatakam niya itong binubuksan at sinimulang kainin.

"Goshiki, nasaan sina Tita Kana? Bakit ikaw lang ang nandito?" Tanong ni Taichi nang mapansing nag-iisang nagbabantay ang kaibigan.

"Pumuntang Central District," ngumunguyang sagot ni Tsutomu. "May binili sila ni Tetsuya. Si Tita Emiko naman, bumalik muna ng Tokyo. At ako ang naatasang magbantay ngayong araw. Pasensya na kung wala ako sa practice kanina. Kailangan ako dito, eh."

"Wala yun. Mas importante si Kaita, kailangan ka niya." nakangiting sagot ni Manager Asike.

Tumango si Tsutomu at pilit ngumiti. "Salamat, manager. Pangako, kapag okay na ang lahat babalik ako agad..." tumingin siya sa pinsan atsaka nagpakawala ng isang malalim na hininga. Kahit dalawang linggo na ang nakakalipas, mabigat pa rin ang loob ni Tsutomu kapag nakikita ang pinsan na wala pa ring malay. Sa araw-araw na nandito siya, hindi niya nakikitaan ng anumang senyales si Kaita na magigising.

Nagbabakasakali silang isang araw ay bigla nilang maririnig ang boses nito.

"Huwag kang mag-alala, Tsutomu. Gigising rin si Kaita. Baka bukas nga eh, gising na siya habang ikaw ay tulog pa." Biro pa ni Tendou. Ramdam kasi niya ang biglang pananamlay ni Tsutomu nang sabihin nito ang salitang 'okay'. Gusto niyang maging malakas ito sa mga susunod pang araw hanggang sa magising si Kaita.

"Alam ko naman 'yun, Tendou-san. Kaya lang...dalawang linggo na, hindi pa rin siya nagigising. What if tama nga ang doktor, na maaaring abutin ng isang buwan o higit ang pagkakacomatose ni Kaita? Hindi naman siguro natin gustong mangyari 'yun, hindi ba? Lahat tayo ay gumagawa o sumusubok ng paraan para mapadali ang paggising ni Kaita..." sa pagkakataong ito, lumipat ang tingin ni Tsutomu sa captain na ngayo'y kinakausap ulit si Kaita. Napatingin rin sila sa captain at bahagyang nag-ngitian.

"Ano na naman kaya ang kinukwento niya?" tanong ni Semi na parang binabasa ang laman ng isip ng captain.

"We don't know. Magkukwento lang 'yan mamayang uwian," sagot ni Reon na ganun din ang ginagawa. "For three years, ngayon lang natin nakita si Ushijima na ganito."

Captain Series #1: The Ace's Euphoria (Ushijima Wakatoshi Fanfic) | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon