| 21 | - Make me

40 2 0
                                    

Chapter 21 - Best of Friends

[ KAITA ]

"You two were already dating? Kailan nagsimula? Is Tita Kana knew about this?" Sunod-sunod ang tanong ni Tetsuya sa akin na animo'y isang imbestigador.

Nakasunod lang ako sa kanya, yuko ang ulo ko habang mahigpit na nakakapit sa strap ng bag ko. Simula nung umalis kami sa academy, iba na ang pakikitungo sa'kin ni Tetsuya. Naging malamig na siya, nawala ang kislap sa kanyang mga mata pati ang ngiting bumabalot sa kanyang labi. He looks gloomy all of a sudden. Hindi ko gustong makita si Tetsuya na ganito.

"Yes, nung weekend lang at alam ni mama," mahinang sagot ko at halos pabulong na. Biglang tumigil sa paglalakad si Tetsuya. Napatigil rin ako habang pinagmamasdan ang kanyang likod. "T-Tetsu..."

"Shut it!"

Napapitlag ako sa sigaw niya. Umihip ang malakas na hangin sa pagitan naming dalawa kasama ang mabigat na nararamdaman ko. Sa kauna-unahang pagkakataon, Tetsuya shouted at me. Ramdam ko ang galit niya, kita ko kung paano nagtaas-baba ang kanyang balikat sa sobrang pagpipigil sa sarili.

Lumapit ako. Nilapitan ko siya. I reached for him pero hindi ko naituloy nang lumingon siya at masama akong tiningnan. Halos manginig ang buong katawan ko sa nakita. I step back.

I bit my lower lip out of annoyance. Hindi para kay Tetsuya kundi para sa sarili ko. I made him like this, I made him mad. Muli akong napayuko, nakuyom ko ang mga palad, at huminga ng malalim. Pinilit ko ang sariling magsalita kahit nanginginig ang labi ko.

"Te-Tetsu...sorry."

"Do you like him?"

"Ha?" Napamaang ako sa tanong niya. Tuluyang humarap si Tetsuya sa akin at tinitigan ako sa mga mata, hinihintay ang sagot ko.

Tumango ako.

"F*ck!" He hissed.

Napapikit ako. Naiintindihan ko kung ano man ang nararamdaman ni Tetsuya. I know he felt betrayed dahil hindi ko man lang sinabi sa kanya bilang isang matalik na kaibigan ang tungkol sa'min ni Ushijima. May plano naman akong sabihan siya ngunit nagkataon na sa ganoong paraan niya malalaman. Nagui-guilty tuloy ako sa ginawa.

"Then what about me?"

Agad kong naimulat ang mga mata at nag-angat ng tingin. "Ha?"

"I like you, Kai. Not just a friend but as a woman."

"Huh?!"

****

[ THIRD PERSON ]

Hindi malaman ni Ushijima ang gagawin. His mind doesn't work well the way it used to be after what had happened at the main gate. All he cares for now is that Kaita didn't turned down his offer for their second date. Napahawak si Ushijima sa kanyang dibdib na hanggang ngayon ay malakas pa rin ang tibok nito. It felt so surreal. Para siyang nananaginip at ayaw nang magising pa.

Papasok si Ushijima sa gym na ganoon pa rin ang pakiramdam. Sinalubong siya ng nakagawiang ingay gawa ng kanyang team-hampas ng bola, tunog ng mga sapatos, sunod-sunod na pagtawag ng set, at muling paghampas ng bola. Lahat ng iyon ay naririnig ni Ushijima ngunit mas nangibabaw ang sigaw ni Kaita.

"Let's have an another date after finals, Ushijima!"

Hindi na naitago ni Ushijima ang pagsupil ng kanyang mga ngiti sa labi. Sobrang sarap sa pandinig at pakiramdam na sawakas ay dininig ng langit ang kanyang hiling.

Dumiretso siya sa kanilang bench kung saan nandoon ang kanyang gamit, hinubad niya ang jacket at nagpalit ng practice clothes. Habang abala si Ushijima sa pagpapalit, lumapit si Tendou sa kaibigang pinapalibutan ng magandang awra. Seeing Ushijima in a good mood right now, Tendou already knew what had happened. He guaranteed that tomorrow's game would be their next win.

Captain Series #1: The Ace's Euphoria (Ushijima Wakatoshi Fanfic) | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon