Chapter 23: Unvoiced Feeling
[ SEIN ]
Kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok sa council office. Dala ko ang isang papel ng aanouncement na ipapaapruba sa council president for posting. Nang makapasok ako, nadatnan ko si Akira, ang council assistant secretary, na abala sa kanyang mesa at mukhang hindi napansin ang pagpasok ko. Lumapit ako sa kanya at mahinang kinatok ang mesa niya, sapat na mapaangat ang kanyang ulo.
Nginitian ko siya. “Nandyan ba ang president?” I asked her.
“Oo, pero may meeting pa siya sa loob. Pwede ka munang maupo sa lounge area habang naghihintay,” ngiting sabi niya bago ibinalik sa ginagawa ang atensyon.
Tumango lang ako at sinunod ang sinabi niya. Naupo ako sa sofa atsaka sumandal, napatingin agad ako sa wall clock na nasa harap ko. Ala una y medya, ang oras na sinabi ni Kaita na aalis siya. Nakaalis na kaya ‘yun? Dinukot ko ang bagay na nasa bulsa ko at pinagmasdan ito, napangiti ako. A volleyball keychain. Bago kasi siya pumunta sa club room nila pagkatapos naming mananghalian, she gave me this souvenir. Gulat nga ako nang bigla niyang inilahad ito kanina habang kumakain, nagbibiro lang naman ako kahapon sa sinabing pasalubong. Hindi ko akalaing totohanin niya.
Muli kong ibinalik sa bulsa ang keychain at naghintay pa ng ilang minute. It’s already one forty pero hindi pa lumalabas ang nasa loob. Mukhang seryoso ang pinag-meeting-an nila ngayon, ah. Tumayo muna ako naglakad-lakad sa lounge area, malawak ang espasyo dito at pwede kang tumingin sa mga paintings na nakasabit sa dingding. These works were done by the Arts Club, ang council president mismo ang pumili sa sampung obra na ito para isabit o gawing maliit na art gallery itong lounge area.
Nasa ika-limang painting na ako nang mapatingin ulit ako sa wall clock---one forty-five. Sunod kong tiningnan ang pinto ng council president, inaasahang magbukas ito pero walang senyales na mangyayari iyon. Napahinga ako ng malalim at muling pinagmasdan ang painting sa harap, mukhang matatagalan pa ako dito mula sa inaasahan ko. Hindi ko kasi alam na may meeting ngayon.
“Yes, sir?” napatingin ako kay Akira nang bigla siyang magsalita. “Yes. I understand. Magpapatawag agad ako ng maintenance team,” sabi niya pagkatapos ay ibinaba ang telepono. Kumunot ang noo ko at napansin ang pagkabahala ng kanyang mukha, base rin sa tono ng kanyang boses kani-kanina lang, makakaila kong may nangyari sa loob.
“May nangyari ba?” hindi ko na napigilang magtanong.
“Something unexpected happen while the meeting is still going on,” sagot niya agad atsaka tumayo. “One of the glass windows shattered abnormally.”
[ PHOTOJOURNALISM CLUB ]
“Mika, ayos na ba yung request ng Arts Club? Di’ba next week na ‘yun?” tanong ni Chia sa kasamang member sa club room. Kasalukuyan silang abala sa gaganaping Cultural Arts next week sa City Museum kung saan gagawa sila ng documentary sa lahat ng mangyayari simula sa Lunes hanggang sa Miyerkules.
“Opo, nagawan ko na rin sila ng appointment schedule para sa tatlong araw,” sagot ni Mika.
“Sino nga ba ang pupunta ‘don?”
“Si Kaita po.”
Biglang nabitawan ni Kiara ang hawak na baso nang subukan niyang kumuha ng tubig sa dispenser. Nagkalat ang mga bubog ng baso sa sahig at agad tinulungan ni Mika ang nakatulalang si Kiara habang nanatili itong nakatayo at hindi man lang kumibo sa nangyari.
“Kiara, ayos ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan o nasugatan?” nag-aalalang tanong ni Mika. Hindi sumagot si Kiara kaya inilayo niya ito sa mga bubog at pinaupo sa upuan. Kumuha ng panlinis si Mika atsaka tinipon lahat ng bubog na makikita.
BINABASA MO ANG
Captain Series #1: The Ace's Euphoria (Ushijima Wakatoshi Fanfic) | COMPLETED |
Fanfic| C O M P L E T E D | ✨The Ace and the Photojournalist✨ Two souls don't find each other by simple accident. If two points are destined to touch, the universe will always find a way to make the connection - even when all hopes seems to be lost. Certa...