Chapter 10 - In his eyes
Umalis muna ako sa harap ng laptop at pumunta sa kusina. Nagtimpla ako ng gatas at kumuha ng tinapay atsaka pinalamanan iyon. Abala si mama sa pagsasampay nang labahan sa likod ng bahay habang si Tsutomu ay nasa kwarto niya. Kumagat ako sa tinapay nang mapansin si mama na pumasok.
"May kumakatok ba?" tanong ni mama nang mailagay ang basket sa lalagyan nito. Inalis ko ang earphone at pinakiramdaman ang paligid. Meron ba? Hindi ko narinig.
"Mukhang wala naman, ma. Baka guni-guni mo lang yun," sabi ko at kumagat pa ng isa. Ibabalik ko na sana ang earphine nang may narinig ako sa labas, isang mahinang katok. Napatingin ako kay mama. Paano niya narinig ang ganung kahina?
Ngumiti si mama. "Sabi ko sa'yo eh. Tingnan mo nga kung sino yan. Wala ka namang bisita di'ba?"
Umiling ako. "Wala po," wika ko atsaka inilapag ang tinapay sa platito. Lalabas sana ako sa kusina nang makita si Tsutomu na nagmamadali sa pagbaba.
"Ako na," pigil niya sa'kin at dumiretso sa pinto. Nagtataka naman ako sa ikinilos niya at bumalik na lang. Tinanong ako ni mama kung bakit hindi ako natuloy at sinabi kong si Tsutomu ang nagbukas ng pinto. May inaasahan ba siyang bisita ngayon?
Narinig ko ang pagbukas at pagsarado ng pinto. Maya-maya'y, "Tita, ang captain nga po pala namin sa volleyball," nahinto ako sa kalagitnaan nang pagsubo ko sa tinapay at napatingin sa pintuan.
"Magandang gabi po," bati niya kay mama sa sala. Nakangiting sumagot din si mama na agad tumingin sa'kin. Alam ko ang ibig sabihin ng mga tingin na iyon kaya umiling ako at uminom ng gatas. Seryoso, ma?
"Akyat po muna kami sa taas," paalam ni Tsutomu atsaka umalis. Sumunod naman si Ushijima sa kanya.
Nang makaakyat sila, agad tumayo si mama at lumapit sa'kin, kumapit siya sa braso ko at mahina iyong niyugyog. "Nak, ang gwapo naman nung captain nila Tsutomu at mukhang mabait pa. May girlfriend na ba yun? Anong bang pangalan nun? Kaibigan mo din ba yun, ha?" Napakunot ang noo ko sa mga tanong ni mama.
"Ewan ko, ma. Hindi ko alam. Tanungin mo na lang kapag uuwi na," sabi ko at muling bumalik sa sala dala ang isang basong gatas.
***
"Hindi mo man lang tinapunan ng tingin si Kaita sa kusina kanina. Nagtatampo ka pa rin ba dahil tumanggi siya?" Tanong ni Tsutomu nang makapasok sila sa kwarto niya. Itinuro niya ang upuan para doon paupuin ang captain.
"Nandoon siya? Hindi ko napansin," sagot ni Ushijima.
"It's so unlikely of you. Ang lakas kasi ng radar mo kapag nandyan si Kaita. Alam mong nandyan siya kahit hindi mo pa nakikita," napailing si Tsutomu at nahiga sa kama. "So, anong gagawin mo dito?"
Hindi agad nakasagot si Ushijima at nakatungo lang. Umangat nang bahagya ang ulo ni Tsutomu atsaka ibinalik din. Hindi niya alam kung bakit ito tumawag at gustong pumunta dito, hindi rin nito sinabi ang rason. Napabuntong hininga siya at bumangon.
"Kailan mo ba balak sabihin sa kanya?" biglang tanong niya sa captain. Alam niyang hindi ito ang tamang oras na pag-usapan ang bagay na yun pagkatapos nitong tanggihan ni Kaita pero gusto niyang malaman kung hindi ba nag-iba ang isip nito. "Don't tell me titigil kana dahil sa sinabi ng pinsan ko?"
Maraang umiling si Ushijima. "Hindi sumagi sa isip ko na tumigil, Goshiki, dahil sa simpleng pagtanggi lang," atsaka siya tiningnan nito. "This is what I've been dreaming of."
Tsutomu was taken aback of the captain's statement. Hindi niya inaasahan na iyon ang sasabihin. Napangiti siya. Now, he's more convinced. Muling siyang napahiga sa kama at mahinang natawa. "Have it your way, then, captain."
BINABASA MO ANG
Captain Series #1: The Ace's Euphoria (Ushijima Wakatoshi Fanfic) | COMPLETED |
Fanfiction| C O M P L E T E D | ✨The Ace and the Photojournalist✨ Two souls don't find each other by simple accident. If two points are destined to touch, the universe will always find a way to make the connection - even when all hopes seems to be lost. Certa...