Chapter 12 - Converse
Pinaupo ako ng school nurse sa kama at doon ginamot ang sugat ko sa labi. Nilagyan niya rin ng ointment ang mga pasa ko sa mukha at ang bukol ko sa noo. Napapangiwi ako kapag natatapalan ng bulak ang sugat ko kaya nalalayo ko ang ulo sa kanya. Mahapdi kasi.
"A-aray!"
"Huwag ka kasing malikot," napatingin ako sa likod ng nurse nang sawayin niya ako.
Buong magdamag siyang nandyan at nakamasid lang sa akin habang ginagamot. Para siyang nanay ko na papagalitan pagkatapos kong magbasag-ulo. Ininda ko na lang ang sakit hanggang sa matapos ito. Nilagyan ng nurse ng band aid ang sugat ko sa labi.
"Kahapon lang ay si Nori ang dinala niyo dito, tapos ngayon ikaw naman. Ano bang nangyayari sa inyo?" usal ni Nurse Lisa habang inililigpit ang mga nagamit.
Nagkatinginan pa kami ni Ushijima ng ilang segundo bago sumagot. "Aksidente lang po. Nahulog sa hagdan." Inayos ko ang jacket nang makaramdam ng panlalamig.
"Di'ba sabi ko sa inyo mag-iingat kayo. Baka hindi lang yan ang aabutin niyo sa susunod."
"Opo," sagot ko na lang. "Pwede na po ba akong lumabas?"
"Hindi ka na ba nahihilo?" Umiling ako. Kanina lang ako nakaramdam ng pagkahilo sa washroom bago dumating si Ushijima. "Fine, but I would prefer you to stay at home for 2 days until your strength comes back. Can you do that?"
"Pero Nurse---" naputol ang pagrereklamo ko nang biglang sumingit si Ushijima.
"Ako ang bahala sa kanya, Nurse Lisa. Magpapahinga siya ng dalawang araw gaya ng sinabi niyo."
"Really? That's good. Sige, pwede na kayong lumabas," atsaka kami tinalikuran ni Nurse Lisa dala ang mga gamit. Umawang ang bibig ko at hindi makapaniwala sa mga narinig mula sa dalawa. Teka...hindi pa ako pumapayag!
"Nurse Lisa! Isang araw la---"
"Dalawang araw," singit niya ulit. I hissed at him. Nanatili lang siyang nakatingin sa'kin at hindi inaalis ang pagkatitig. Ano ba ang problema niya? Bakit niya ako pinapangunahan sa mga desisyon ko? Nanay ko ba siya?
Sinamaan ko siya ng tingin. Paano ngayon 'yan? Hindi ako makakapunta ngayong Sabado sa practice nila ni Tetsu. Nangako pa naman ako sa kanya. I feel frustrated right now. Nakakainis naman oh! Agad akong tumayo atsaka siya nilampasan, hinawi ko ang kurtina at lumabas ng infirmary.
"Kaita..." napatigil ako nang madatnan ko sina Chia-san sa labas na nag-aabang. "Kumusta? Anong sabi ni Nurse Lisa?"
Bubuka na sana ang bibig ko upang sumagot nang biglang bumukas ulit ang pinto at muli akong siningitan. "Magpapahinga daw siya ng dalawang araw. Iyon ang sabi ng nurse." Napabuntong-hininga naman si Chia-san at parang nakontento na sa resulta. Pati na rin ang mga ka-miyembro ko.
Naikuyom ko ang mga palad at marahas na nilingon si Ushijima. "What?" tanong niya nang muling magtama ang mga mata namin. "Iyon ang sabi ng nurse, di'ba?"
Bwiset!
"Ewan ko sa'yo. Bahala ka diyan," at umiwas ako ng tingin. Hindi ko talaga maintindihan ang lalaking 'to. Talagang pinanindigan niya ang pagiging nanay sa'kin. Andami ko sanang sasabihin sa kanya pero sa tuwing magtatagpo ang mga mata namin, iba na ang nasasabi ko.
BINABASA MO ANG
Captain Series #1: The Ace's Euphoria (Ushijima Wakatoshi Fanfic) | COMPLETED |
Fanfiction| C O M P L E T E D | ✨The Ace and the Photojournalist✨ Two souls don't find each other by simple accident. If two points are destined to touch, the universe will always find a way to make the connection - even when all hopes seems to be lost. Certa...