| 6 | - Midnight

185 13 11
                                    

Chapter 6 - Midnight

Pagkarating ko ng bahay, walang tao. Saan ba pumunta si Tsutomu? Nagpractice ba sila? Hapon na. Nagkibit-balikat na lang ako at umakyat na sa taas para maligo. Gagawin ko na rin ang pag-e-edit ng poster nila Tsutomu. Hindi madali ang gagawin ko, ilang araw pa ang aabutin nito bago matapos. Nag-inat muna ako atsaka naupo sa study table, kinuha ko ang camera at kinonekta ito sa laptop. At nagsimula na ako.

Hindi pa nagsasampung minuto ang pageedit ko, may narinig akong kalampag sa baba. Bumaba agad ako at nadatnan ko doon si Tsutomu na umiinom ng tubig. Mukhang kadadating niya lang dahil pinagpapawisan pa siya. Akala ko si mama.

"Saan ka galing?" Tanong ko at lumapit sa kanya.

"Diyan lang sa tabi-tabi." sabi niya. Sinuri ko siya mula ulo hanggang paa. Naalala ko, parang may nakita ako kanina sa shopping district na pareho sa suot ni Tsutomu. Hindi ko lang nakita ang mukha dahil biglang nawala. "Bakit ganyan ka makatingin?"

"Wala. May naalala lang," sabay talikod ko sa kanya at lumapit sa ref. "Siya nga pala, gagawin ko na ang pag-e-edit ng poster niyo, ipapakita ko sa'yo mamaya kapag natapos. Sabihin mo kung may idadagdag pa ako ha."

"Oo na, ang daldal mo." pagsusungit niya atsaka tinabig ako paalis sa harap ng ref. "Alis diyan. Magluluto na ako." dagdag niya pa at nagsimula nang gumalaw sa kusina. Magsasalita pa sana ako ng ipakita niya ang hawak na kutsilyo.

Umalis na lang ako at umakyat sa taas para ipagpatuloy ang ginagawa. Nag-inat ulit ako ng mga kamay bago naupo sa study table. Kinuha ko ang camera at hinanap ang ibang pictures ng volleyball team at ni Ushijima. Tinransfer ko sila sa laptop at nagsimulang mag-edit. Pero habang pumipili ako ng pictures ni Ushijima, naalala ko ulit yung gala namin. Hindi ko na talaga siya isasama sa susunod.

Saglit akong natigil sa isang pictures niya. Zinoom ko ang mata niya at napansin kong hindi siya sa bola nakatingin kundi sa side kung nasaan ako. Inayos ko ang salamin at tinitigan ito ng mabuti at baka nagmamalik-mata lang ako.

Pero hindi. Hindi talaga siya sa bola nakatingin. Sigurado ako. Zinoom out ko ang picture niya at sumandal sa upuan. Niyakap ko ang dalawang tuhod ko. Anong ibig sabihin ng tingin na 'yan? Ibang-iba sa nakikita ko sa kanya kapag kaharap. Hindi ko alam kung ano.

Agad akong tumayo at binuksan ang bintana. Parang hindi ako makahinga. Bumalik ako sa study table at muling tiningnan ang litrato niya. May kakaiba talaga akong nararamdaman sa matang iyan. Isang kakaibang tingin na hindi ko makuha.

***

Bagong dating si mama at dumiretso agad siya dito sa kusina. Kababa ko lang din at natagpuan si Tsutomu na nagluluto pa. Siya ang sous chef dito sa bahay kaya may tiwala ako sa kanya pagdating sa pagluluto. Naipakita ko sa kanya ang nagawa ko maliban kay Ushijima. Bigla na lang nawala ang mood ko sa pageedit kaya heto at bumaba muna ako. Sabi ni Tsutomu, ayos naman daw yung poster nilang lahat. Nagtanong pa kung nasaan daw yung kay Ushijima.

"Asan yung kay Ushijima?" Tanong niya matapos makita ang poster nilang lahat.

"Wala pa. Baka matagalan pa," sabi ko. "Hindi ko ito matatapos ng isang upuan lang kaya maghintay kayo."

"Bakit ang sungit mo yata ngayon?"

Tinapunan ko ng mabilis na tingin si Tsutomu. "Hindi ako masungit. Hindi ako katulad mo na araw-araw may pasan na hinanakit sa buong mundo. Huwag mo akong itulad sa'yo."

Captain Series #1: The Ace's Euphoria (Ushijima Wakatoshi Fanfic) | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon