“Good morning sunshine!”
Nagising ako dahil sa bati ni Kevin sa’kin. Ang sarap pasana matulog ulit, pero kung sobrang gwapo naman ng mukha na makikita mo pagkagising mo, ayaw mo na ulitmatulog dahil gusto mo nalang siyang yakapin.
“Good morning din.”
Bati ko sa kanya pabalik sabay ngiti sa kanya.
“Bumangon ka na diyan para makapag almusal na tayo. Kanina pa tayo tinawag ni Manang Josefa.”
Sabi ni Kevin.
Halata sa kanya na tapos na siyang mag-ayos. Nakaligo na siya at nakapag bihis nadin. Ako nalang talaga ang kagigising palang.
Tinignan ko ang oras gamit ang wall clock na nakasabit at 5:30 AM pa lang.
“Bakit sobrang aga naman ata?”
Tanong ko kay Kevin. Usually kasi hindi pa siya naliligo ng ganung kaaga.
“Sabi ko sa’yo kahapon diba na marami tayong gagawin ngayon? Mas mabuti ng maaga tayo para marami tayong magagawa.”
Sagot ni Kevin.
Ngumiti lang ako saka ako tumango. Inayos ko na muna iyong hinigaan ko saka ako tuluyang bumangon para maligo at magbihis.
“Ano bang dapat kong dalhin?”
Tanong ko kay Kevin para naman maprepare ko kung anong kakailanganin namin para sa lakad namin.
“Inayos ko na kanina ang mga dadalhin natin pati nadin ang mga gamit mo. hehe. Maaga kasi akong nagising dahil sobrang excited ako. Mabuti pa kumain na tayo.”Nakaramdam parin ako ng konting hiya kahit papano. Pano ba naman kasi, dapat ako iyong nag-aayos nga mga gamit namin ni Kevin dahil ako iyong babae.
“Tss.. Ang panget mong tignan pag ganyan ang mukha mo. Mabuti pa ngumiti ka nalang diyan.”
Sabi ni Kevin sa’kin sabay akbay. Nahalata niya siguro iyong emosyon ko dahil sa reaksyon ng mukha ko.
“Pano kasi. Pakiramdam ko wala na akong nagagawa para sa’yo. Ako nalang palagi ang pinagsisilbihan mo.”
“Shhh..”
Nilapat ni Kevin ang hintuturo niya sa labi ko.
“Huwag mong isipin iyan dahil ang dami mo kayang ginagawa para sa’kin. Nasa tabi lang kita, malaking bagay na iyon para sa’kin. Nakikita lang kita, parang binigay mo na ang langit sa’kin. At isa pa, kailangan kitang pagsilbihan hindi lang dahil mahal kita kundi dahil dinadala mo ngayon si Baby.”
Biglang napawi ang pakla ng mukha ko dahil sa sinabi ni Kevin. Kaaga aga, pinapakilig niya ako.
“hihihihi! Ikaw talaga! Nakakainis ka! Kasisikat palang ng araw pero pinapakilig mo na ako.”
Paglalambing ko sa kanya sabay sundot sa balikat niya.
Lumabas na kami ng kwarto para sabayan ng almusal sina Manang Josefa at Manong Pat pagkatapos.
----
“Sige po Manang, Manong alis na po kami!”
Paalam ko kay Manang at Manong sabay kaway ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
Memoirs of the Casanova's Wife (Completed)
Teen FictionOnly death can make us apart and can bring us back together. Book 2 of Marrying the Casanova