Chapter 17: Kevia

60.1K 695 80
                                    






“Kamusta na ang pakiramdam mo?”


Tanong ni Kevin sa’kin pagkatapos na pagkatapos kong buksan ang mga mata ko.


Hinawakan ko ang kanang pisngi niya gamit ang palad ko saka ako ngumiti sa kanya.


“I’m okay. Nag-alala ka ba sa’kin?”


Tanong ko sa asawa ko.


“Sobra sobra..Tatlong araw ka ding natulog. Masaya ako ngayon at gising ka na.”


Sagot niya saka niya hinaplos ang pisngi ko.


“Kamusta na siya? Pwede ko na ba siyang makita?”


Mahinang tanong ko kay Kevin at tumango naman siya.




--------------------------



Tulak tulak ni Kevin ang wheelchair na inupuan ko habang papunta kami sa baby ko. Hindi ko maipaliwanag ang naramdam ko habang papunta kami sa anak ko. Iyon din iyong klase ng pakiramdam ko habang naglalakad ako sa simbahan papuntang altar kung nasan si Kevin.


Excited.. Naiiyak.. Natutuwa.. Masaya.. Kinakabahan..


Halo halong emosyon.


Hindi nagtagal huminto na kami ni Kevin sa isang room. Akala ko papasok kami don pero hindi pala.


“Dito lang tayo..”


Sambit ni Kevin..


“Hindi ba tayo pwedeng pumasok?”


Tanong ko kay Kevin.


“Hindi pwede eh. Hindi din kami nakapasok nong isang araw..”


“Pano natin siya makikita?”


Tanong ko kay Kevin.


Lumapit si Kevin sa’kin saka niya hinawakan ang kamay ko. Di nagtagal, inayos din nong nurse na nasa loob ang kurtina para makita namin ang loob ng room.


Sobrang daming baby na nakahiga sa loob ng incubator. Lahat sila tulog. Hindi ko nga alam kung nagigising din ba sila tulad ng baby na normal o hindi.


Sinundan lang namin ng tingin ang nurse hanggang sa tinuro niya ang isang baby.


“Iyon na siya Maybelline.. Siya ang baby natin..”


Masayang sambit ni Kevin.


Idinikit ko ang mga palad ko sa glass na nasa pagitan namin ng baby. Ang ganda niya.. Ang ganda ng labi niya. Ang ganda ng ilong niya..


“Iyong kilay niya Kevin tulad na tulad ng kilay mo.. hehehe”


Sambit ko kay Kevin sabay tawa. Kuhang kuha kasi ng baby ang kilay ng Daddy niya.


“At ang labi niya katulad ng labi mo. hehe.”


Sabi naman ni Kevin.


Hindi man siya pinanganak ng normal, tulad parin siya ng ibang baby. Ang himbing himbing ng tulog niya sa loob ng incubator.


“Ang liit liit niya noh?”


Tanong ko kay Kevin.


“Kamukhang kamukha ka niya..”

Memoirs of the Casanova's Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon