Prologue

107K 1.3K 180
                                    

Ilang segundo na ba ang lumipas? Ilang minuto? Ilang oras? Ilang linggo? Ilang buwan? o ilang taon?


Hindi ko na alam at hindi ko na maalala. Pero alam ko.. Siya parin iyong mahal ko. Siya parin iyong babaeng tinitibok ng puso ko. Siya parin ang Maybelline na minahal ko ng lubusan. Kahapon, ngayon at bukas..


Habang nakaupo ako sa kama namin ni Maybelline, binuksan ko iyong drawer sa bedside table at kinuha iyong libro na ginawa niya. Nasa front cover ang paborito naming litrato na dalawa. Iyon ang isa sa mga pinakamasasayang araw  namin ni Maybelline.


Memoirs of the Casanova’s Wife.



Iyon ang nakalagay na title sa taas ng picture. Hanggang ngayon natatawa parin ako sa napili niyang title. Sa lahat ba naman kasi ng pwede iyon pa talaga. Ilang beses ko ng sinabi sa kanya na hindi na ako Casanova simula nong nangako ako sa kanya na gagawin ko ang lahat para sa relationship namin.


Wala parin siyang pinagbago. Napapangiti parin niya ako. Dahan dahan kong binuksan iyong makapal na libro na ginawa ni Maybelline at binasa iyong page one.


Love is stronger than death even though it can't stop death from happening,
but no matter how hard death tries it can't separate people from love.
It can't take away our memories either.
In the end, love is stronger than death.


Hindi ko alam kung san niya napulot ang katagang iyan pero sobrang namamangha ako dahil sa katotohanan na dala dala nito. Hinawakan ko iyong dulo ng unang pahina saka ko ito inilipat sa kabila para basahin ulit ang sinulat niyang unang kabanata ng love story namin. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko ng binasa ang librong ito pero hindi parin ako nagsasawa. Siguro dahil si Maybelline ang mismong gumawa nito at dahil ito ang pagpapatuloy ng love story naming dalawa mula nong maghiwalay kami.

Memoirs of the Casanova's Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon