Chapter 3: Decision

64.8K 971 130
                                    





Nakatitig lang siya sa’kin.


Anong gagawin ko?


Dapat ba akong tumakbo?


“Maybelline... Bakit mo ginagawa sa’kin ‘to?”


Hindi ko maintindihan ang tanong ni Kevin.


“Anong ibig mong sabihin? Teka.. Bakit ka ba andito? Sinusundan mo ba ako? Umalis ka na. Nakakasira ka ng araw.”


Pagtataray ko sa kanya.


Parang ako iyong namatay sa sobrang sakit dahil sa sinabi ko. Parang ako iyong binuhusan ng isang milyong thumbtacks sa ulo.


Isasara ko na sana iyong gate namin ng bigla nalang akong pinigilan ni Kevin.


“Araayy!!!!”


Dahil sa ginawa niya, naipit iyong kamay niya sa gate.


Gusto kong hawakan ang kamay niya at tanungin kung okay lang ba siya. Kung masyado ba siyang nasaktan. Kung sobra ba iyong sakit ng kamay niya pero hindi ko magawa dahil alam kong wala na akong karapatan sa kanya.


“Ikaw naman kasi!!”


Sigaw ko sa kanya.


“Bakit mo ba hinaharang ang kamay mo sa gate namin? Pwede ba Kevin umalis ka na. Ayokong makita ka.”


Nagdasal ako na sana umalis na si Kevin dahil hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko. Pag nanatali pa siya ng matagal, baka hindi ko na kayang lumayo sa kanya. Baka hindi ko na kayang itaboy siya.


Natatakot ako.


“Sinundan ko kayo ni Jun sa ospital kaya ko nalaman ang bagong bahay niyo..”


Nanigas ako na parang bato dahil sa sinabi ni Kevin. Tama nga ang hinala ko. Nasundan niya kami kaya siya andito ngayon sa harap ko.


Kung sinundan niya kami..


Ibig sabihin ba non.. Nasundan din niya kami hanggang sa ospital? Nalaman niya kaya na..


“Sinundan ko kayo mula sa ospital hanggang dito sa bahay niyo Maybelline. Bakit?”


Nalito ako sa tanong ni Kevin.


“Anong ibig mong sabihin sa tanong mo?”


Tanong ko sa kanya.


“Bakit kayo pumunta ng ospital? Kinausap ko iyong doctor na pinuntahan niyo at hindi lang basta doctor iyon Maybelline. Isa siyang obstetrician.”


Kung pwede lang sanang mahimatay nalang ako para hindi ko na kailangan pang sagutin ang tanong ni Kevin.


Kung pwede lang sanang ibalik ang oras. Sana hindi na ako pumunta ng mall. Sana hindi na kami nagkita ni Kevin. Sana hindi na ako nahirapan.


“Bakit ko naman sasagutin iyong tanong mo? Kevin wala na tayo. Gusto ko lang ipaalala sa’yo iyan dahil baka nakalimutan mo.”


Sambit ko.


“Maybelline... Buntis ka ba?”


Sobrang lakas ng tibok ng puso ko pagkatapos sabihin ni Kevin iyon. Nalaman niya kaya ang totoo? Sinabi kaya ng doctor ang sitwasyon ko?

Memoirs of the Casanova's Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon