Chapter 4: On the way

68.7K 1K 190
                                    





Nakaupo lang ako sa isang bakanteng bench ng park na malapit lang sa bahay namin habang hinihintay ko ang pagdating ng mga kaibigan ko.


Halos isang buwan ko nadin silang hindi nakita. Hindi ko alam kung may pinagbago ba sa kanila. Kung may pimple na ba iyong mukha nila. Kung nagpakulay ba sila ng buhok. Kung nagpagupit ba sila. O kung ano ano pa.


Pagkatapos naming mag-usap ni Mommy napagtanto ko na tama talaga siya. Kaya ko pinapahirapan ang sarili ko para sa kanila. Kaya ko nilihim sa kanila ang lahat dahil akala ko hindi sila masasaktan. Pero sa ginawa ko, hindi ko namalayan na mas lalo ko silang nasaktan.


Kinuha ko iyong cellphone ko at tinignan ang repleksyon ko sa screen dahil nakalimutan kong dalhin ang maliit na salamin ko.


“Huwag kang mag-alala dahil maganda ka na.”


Sambit ng isang pamilyar na boses.


Hindi ko pa siya tinignan pero alam ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Si Zelle.


Kahit na konti lang iyong panahon na magkasama kami ni Zelle, di tulad nila Aya at May, tinuring ko na siya na parang kapatid ko.


Pakiramdam ko, matagal na din kaming nagkakilala.


“Mia namiss ka namin..”


Sambit ni Aya.


“Mia!!!!”


Bulalas ni May saka niya ako pinatayo at niyakap.


Sobra ko silang namiss.


Kahit tatlong linggo lang kaming hindi nagkita, pakiramdam ko tatlong taon na iyong lumipas mula nong huling pagkikita namin.


Niyakap ko silang tatlo pabalik.


“Namiss ko din kayo..”


Sabi ko sabay tulo ng mga luha ko.


Hindi dahil sa nasasaktan o nalulungkot ako kundi dahil sa sobrang tuwa.


Pagkatapos naming magdramahan, kinalma na namin ang mga sarili namin saka kami umupo sa bench. Bakante naman iyong magkabilang bench sa tabi ng bench na kinaupan namin pero nagsiksikan talaga kami sa kinauupuan namin.


Ganun namin ka miss ang isa’t isa.


“Bakit ba ngayon ka lang nagpakita?”


Tanong ni Zelle.


“Alam mo bang araw araw kaming naghahanap sa’yo? Kung hindi ka pa talaga nagpakita sa’min ngayon baka nabaliw na kami sa kakahanap sa’yo.”


Sambit naman ni May.


“May problema ka ba Mia? Hindi mo naman kailangang ilihim sa’min ang lahat. Kahit na ano pa iyang problema mo andito naman kami para tulungan ka.”


Sambit naman ni Aya.


Nahihiya akong sabihin sa kanila lahat. Kung pwede lang sana na mag back out ako ginawa ko na iyon pero hindi na pwede.


“Hindi ko alam kung san ko sisimulan ang lahat.”


Pagsisimula ko.


Tumahimik lang silang tatlo na nagpapahiwatig na handa silang makinig sa’kin.


“Lumayo ako sa inyo hindi dahil hindi ko na kayo gusto bilang kaibigan ko. Lumayo ako dahil mahal na mahal ko kayo. Alam niyo naman na para nang kapatid ang turing ko sa inyo.”

Memoirs of the Casanova's Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon