Chapter 12: Surprise

46.9K 612 65
                                    





Pagdilat ko sa mga mata ko, isang pamilyar na kisame at ilaw agad ang nakita ko. Kahit na malabopa ang lahat sa paligid ko siguradong sigurado ako kung nasan ako. Hindi ako pwedeng magkamali.


I’m in the hospital.


“Maybelline?”


“Muffin?”


“Mia?”


“Mia naririnig mo ba kami?”


“Muffin okay ka na ba?”


Pagkalipas ng kalahating minuto, luminaw na ang lahat. Lumitaw agad ang mga pamilyar na mukha ng mga kaibigan ko at pati mga magulang ko. Including my husband, Kevin.


“Maybelline baby okay ka lang ba?”


Tanong ni Mommy sa’kin na sobra sobra iyong pag-alala sa mukha niya.


“Mommy, huwag mo na akong tawaging baby. Magkaka apo na kayo pero binibaby niyo parin ako.”


Mahinang sagot ko kay Mommy saka ako ngumiti ng konti.


“Kahit na puti na iyang buhok mo tatawagin parin kitang baby..”


Sagot naman ni Mommy.


“Ehem.. Ehem.. Baka sa sweetness niyo ng Mommy mo makalimutan mong andito pa ako..”


Sambit ni Kevin.


Hinaplos ko ang kaliwang pisngi ni Kevin.


“Hinding hindi kita makakalimutan kahit na langgamin pa kami ni Mommy dito..”


Sabi ko kay Kevin.


“Yieee!! Kayo na sweet! Labas na kami? Labas na kami?”


Bulalas ni Aya.


Tumawa naman ako ng malakas dahil hindi parin nagbabago si Aya. Ganun parin siya. Gaya parin ng dati. Malakas mang asar.


“Di ko naman kayo pinapalabas ah..”


Sabi ko sa kanya.


“Mia okay ka na ba talaga? Kamusta na ang pakiramdam mo?”


Tanong naman ni Zelle sa’kin.


“Okay na ako Zelle. Huwag niyo na akong alalahanin.”


Sabi ko kay Zelle.


Dalawang linggo nadin kaming hindi nagkita ng mga kaibigan ko. Naging busy kasi ako masyado kay Kevin dahil bumabawi ako sa kanya.


“Mia, sa susunod pag may naramdaman kang hindi maganda sa katawan mo sabihin mo agad kay Kevin.”


Sambit naman ni May saka niya hinawakan ang isang kamay ko.


“Thank you May. I’ll remember that.”


Hindi nagtagal pumasok nadin ang doktor sa room kung nasan kami.


“Kamusta na ang pakiramdam mo Mrs. Choi?”


Tanong ng doktor sa’kin.


Iyong nurse naman na kasama niya kinunan ako ng blood pressure.


“I’m feeling better Doc.”


Sagot ko.


“I already warned you na huwag masyadong pagurin ang katawan mo. Your body is on a fragile state Mrs. Choi. Konting kilos mo lang and you will end up on this four-sided hospital room.”

Memoirs of the Casanova's Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon