Sobrang bilis ng panahon. Hindi mo nalang namamalayan na ilang araw, ilang linggo at ilang buwan na pala ang lumipas.
Parang kahapon lang ng kinasal kami ni Kevin tapos bigla nalang nagising ako ng isang araw at napagtanto ko na pitong buwan na pala akong buntis.
“Goodmorning muffin. Gising ka na pala..”
Bigla nalang pumasok si Kevin sa kwarto namin dala dala ang isang tray na may nakapatong na pagkain.
“Ano iyan?”
Tanong ko sa kanya.
“Breakfast in bed para sa’yo..”
Sagot ni Kevin saka siya umupo sa kama at pinatong ang tray sa harap ko.
Palagi nalang ganun ang ginagawa ni Kevin sa’kin sa tuwing hindi maganda ang pakiramdam ko kinagabihan.
Ayoko mang isipin pero lumalala na ang sakit ko. Sumasakit palagi ang tiyan ko, sumasakit ang ulo ko at ang malala pa, nagkakaroon ako ng excessive nose bleed.
Kinakabahan ako syempre pero ayokong ipakita kay Kevin na natatakot ako. Na mahina ako dahil ayokong mag-alala pa siya ng husto sa’kin.
“Thank you..”
Sambit ko sa kanya saka ako ngumiti.
“Kamusta na ang pakiramdam mo?”
Tanong ni Kevin sa’kin.
“Okay na ako.. Baka napagod lang ako kahapon..”
Sagot ko.
“Pagkatapos mong magbreakfast pumunta tayo ng doctor para naman mainform natin si doc tungkol sa kalagayan mo..”
“Pero..Kagagaling lang natin sa ospital nong isang araw ahh.. Ayoko ng bumalik don.”
“Maybelline.. Alam kong ayaw mo ng bumalik don pero kailangan lang talaga nating pumunta ng doctor para naman makasigurado tayo..”
Wala na akong ibang nagawa kundi ang tumango kay Kevin. Ayoko kasing makipagtalo sa kanya at alam ko naman na tama siya.
Dahil wala pa akong masyadong lakas para tumayo, sabay na kaming kumain ni Kevin sa kwarto namin.
Isang linggo nadin akong naka bed rest dahil sa palaging pagsakit ng tiyan at ulo ko. Paminsan minsan din ang mga buto at kalamnan ko.
“Kevin.. Pwede bang mamayang hapon nalang tayo pumunta sa doctor? Para kasing tinatamad pa akong lumabas eh. Mas gusto kong magpahinga..”
Pakiusap ko kay Kevin pagkatapos naming kumain.
“Sige pero dapat makapunta tayo ngayong araw..”
“Oo..”
Inayos ko na iyong mga pinagkainan namin ni Kevin sa maliit na tray.
“Ako na maghuhugas dito..”
Sambit ko sa kanya.
“Muffin... Huwag na matigas ang ulo. Ako na dito. Diba sabi mo gusto mo ng magpahinga? Magpahinga ka nalang para naman magkaroon ka ng lakas mamayang hapon..”
Mahinang sabi ni Kevin.
Pero kahit na sobrang mahinahon iyong pagkasabi niya non, nainsulto parin ako.
BINABASA MO ANG
Memoirs of the Casanova's Wife (Completed)
Teen FictionOnly death can make us apart and can bring us back together. Book 2 of Marrying the Casanova