Si Kevin..
“Maybelline.. Sa wakas nakita nadin kita..”Dahan dahang lumapit si Kevin sa’kin.
Kahit na tumalikod ako at tumakbo alam kong mahahabol parin niya ako. Kahit na magpanggap ako at umarte na hindi ko siya kilala at nagka amnesia ako, alam kong hindi parin iyon gagana.
Andun na eh. Hindi ko na matatakasan ang nangyari. Sadya talagang mapagbiro ang tadhana. Ayokong makita si Kevin dahil gusto kong makapag move on kaming dalawa. Kahit na alam kong imposibleng makalimutan ko siya.
“Matagal ka naming hinanap. Bakit naglaho ka nalang na parang bula? Hindi mo naman kailangang gawin iyon.”
Sambit ni Kevin.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.
Dahil gusto ko lang?
Anong paki mo?Hindi ako nakapagsalita dahil walang lumabas na boses mula sa bibig ko. Walang laman ang utak ko at pakiramdam ko non para akong nakalipad sa ere.
“Mia.. Kanina pa kita hinaha...”
Bigla kong nakita si Jun mula sa likod ni Kevin. Pero hindi niya natapos ang sasabihin niya sana ng mapansin niya na si Kevin pala ang kaharap ko.
“Anong ginagawa mo dito?”
Tanong niya kay Kevin.
Nabigla din si Kevin pagkatapos niyang makita si Jun. Alam ko, hindi niya inasahan na makita si Jun at hindi niya nagustuhan iyon.
Ayoko man sanang gawin iyong nasa utak ko ay ginawa ko parin. Dahil iyon lang ang tanging naisip ko para matakasan si Kevin.
“Ahh Jun andito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap. Pasensya na talaga kung bigla nalang akong nawala kanina. Masyado kasing madaming nakapila sa comfort room ng shop kaya lumabas ako saglit. Pero pagbalik ko wala ka na. Mabuti nalang at nahanap mo ako.”
Sambit ko saka ako lumapit kay Jun at humawak sa braso niya.
Nagulat si Jun sa ginawa ko pero hindi na siya umimik. Hindi ako sigurado kung dahil ba iyon sa sobrang gulat niya oh dahil nagustuhan niya iyong ginawa ko.
“Kayo na ba?”
Tanong ni Kevin sa’kin.
“Kaya ka ba lumayo dahil pinili mo si Jun?”Tanong niya ulit sa’kin.
Mas mabuti pang isipin ni Kevin na mahal ko si Jun kesa sa isipin niyang mahal ko pa din siya. Mas gusto ko pang iyon ang nasa isip niya para magalit siya sa’kin at para maisipan niyang kalimutan na ako.
“Tara na?”
Tanong ko kay Jun saka kami tumalikod kay Kevin.
Pagkatapos kong tumalikod kay Kevin, pinikit ko lang ang mga mata ko at hayaan nalang na gabayan ako ni Jun.Dinasal ko na sana, hindi kami sundan ni Kevin. Na sana, manatili nalang siya sa kinatatayuan niya at tumalikod nadin pagkatapos. Sanamagalit siya sa’kin. Sanakalimutan na niya ako. Sanamaghanap nalang siya ng ibang babae na mas deserving sa kanya.
BINABASA MO ANG
Memoirs of the Casanova's Wife (Completed)
Teen FictionOnly death can make us apart and can bring us back together. Book 2 of Marrying the Casanova