Naisipan kong isulat ang librong ‘to dahil hindi ko alam kung anong mangyayari sa’kin mamaya. O bukas o sa susunod na mga araw. Pagkatapos kong malaman na may sakit ako. Andaming pumasok sa utak ko, pero pagkatapos ng araw na iyon, naisipan kong, siguro binigyan ako ng ganitong sakit hindi para pahirapan ako, kundi para maging mas malakas ako. Para marealize ko at ng kung sino man ang babasa nito na sobrang ikli ng buhay ng tao. Tama nga iyong sinasabi ng iba na habang may chance ka pa, live your life the fullest.
Hindi mo malalaman kung gaano kalang katagal na pahihintulan ng Panginoon na tumira sa mundong ibabaw. Hindi ko narealize noon na sa bawat umaga na ginigising tayo ng Panginoon, dapat tayong magpasalamat dahil iyong iba, ginagawa ang lahat para lang mabuhay sila.
I have learned my lesson, gusto kong gawin lahat ng gusto kong gawin habang andito pa ako sa mundo. Pero ang masakit, hindi ko magawa lahat ng iyon. Dahil alam kong may masasaktan pag nawala ako.
Hindi ko alam kung san ko sisimulan ang kwento ko. Isa lang ang alam ko, isa lang ang nasa isip at puso ko. At siguro don ko sisimulan ang lahat.
Kay Kevin..
Sa araw araw na gumigising ako, masaya ako dahil buhay parin ako. Pero ang nakakalungkot, wala na siya sa tabi ko.
“Good morning baby..”
Hinimas himas ko ang tiyan ko para kamustahin si baby.
“How was your sleep? Pagkatapos ng ilang minuto kakain na tayong dalawa ha? Siguro gutom ka na.”
Dumeretso na ako sa banyo para maghilamos at maglagay ng make up. Wala naman akong planong lumabas para sa araw na iyon kaya kung tutuusin hindi ko na kailangan pang mag make up. Pero gusto ko talaga. Ayokong lumabas ng kwarto ko na hindi ako maganda. Gusto ko presentable iyong itsura ko kahit na ang parents ko lang naman at si Ate Kate ang makikita ko.
Sabi nila, pag lalaki daw ang baby na binubuntis mo nagiging panget ka daw. Tapos pag babae naman nagiging maganda ka. Iyon siguro ang dahilan kung bakit gustong gusto kong palagi akong maganda. Dahil baka babae si baby.
Dahil assuming akong tao, at I already assumed na baby girl ang magiging anak ko. Napagisipan ko na ang magiging pangalan niya pag lumabas na siya.
Kevia..
Huwag niyo ng tanungin kong bakit Kevia dahil obvious naman ang reason kung bakit napili ko ang pangala niya. Kev for Kevin and ia for Mia.
Gusto ko sanang Kevia Choi ang dadalhin niyang pangalan pero alam kong magiging malabo iyon dahil hindi naman talaga kami kasal ni Kevin. Iyon iyong secreto na tinago ko kay Kevin. Akala ko talaga eh walang makakalam non bukod sa'kin at sa parents ko pero nalaman iyon ni Jun.Pero masaya parin ako at naisip kong gawing peke iyong kasal namin ni Kevin. Para din naman sa kanya iyon.
Nakahawak ako kay baby habang nakatingin ako sa repleksyon ko sa salamin. Ang bilis bilis niyang lumaki. I am two months pregnant pero hindi pa halata na buntis ako dahil hindi na ako nagsusuot ng mga fitting na damit.Mahigit isang buwan nadin mula nong huling pagkikita namin ni Kevin. Iyong gabing hindi ko tinanggap ang proposal niya. Ayokong maging selfish kaya ko ginawa iyon at iyon ang sa tingin ko ay tama.
Pagkatapos kong ayusan ang sarili ko, bumaba na ako para mag almusal.
“Good morning baby..at sa isa pa naming baby..”
BINABASA MO ANG
Memoirs of the Casanova's Wife (Completed)
Teen FictionOnly death can make us apart and can bring us back together. Book 2 of Marrying the Casanova