Kevin’s POV
Isinara ko na iyong libro pagkatapos kong basahin ang huling isinulat ni Maybelline. Hindi ko namalayan na basang basa na pala ang mukha ko sa mga luha na galing sa mga mata ko.
Sobrang namimiss ko na siya.
“Memoirs of the Casanova’s Wife..”Binasa ko ulit iyong title ng libro na ginawa ni Maybelline. Hindi na niya nagawang tapusin ang libro dahil wala na siyang lakas para magsulat pa simula nong chemotherapy niya.
Ipinikit ko ang mga mata ko saka bumalik sa isipan ko ang lahat ng nangyari. Hanggang ngayon, sariwang sariwa parin ang lahat.
“Ma magpahinga na kayo. Ilang araw na kayong andito.”
Sambit ko sa Mommy ni Maybelline na hindi na makatulog ng maayos dahil sa sobrang pag-aalala sa anak niya.
Isang linggo na ang lumipas mula nong simulan ni Maybelline ang chemotherapy niya.“Bakit si Maybelline pa? Bakit ang anak ko pa? Bakit hindi nalang ako? Matanda na ako, pwede na akong kunin kahit anong oras pero ang anak ko.. Ang batang bata pa niya..”
Hindi na napigilan ni Mommy na humagolgol.
“Ma tama na.. Hindi rin naman makakatulong kung umiyak man tayo. Ang kailangan ni Maybelline ngayon, maging malakas tayo para sa kanya..”Sabi ko kay Mommy saka ko siya niyakap.
Ang totoo, hindi lang si Mommy ang nasasaktan. Pero ayokong ipakita sa kanila lalong lalo na kay Maybelline na nasasaktan at pinaghihinaan ako ng loob. Dahil alam ko na ako lang iyong kinakapitan niya ngayon. Ako lang iyong kinukunan niya ng lakas ng loob. Ayokong biguin siya.
“Alam ko Kevin.. Pero.. Pero hindi ko kaya...”
Alam na alam ko at ramdam ko ang hinagpis ni Mommy. Palagi ko ding tinatanong sa sarili ko kung bakit hindi nalang ako ang nagkasakit. Bakit si Maybelline pa?
Sila Zelle at nag iba, hindi pinalalagpas ang isang araw na hindi sila nakakabisita kay Maybelline. Kahit na may kanya kanya silang trabaho, may kanya kanya silang buhay, naghahanap parin sila ng panahon para makasama si Maybelline. Kahit na masulyapan man nila ito sa tuwing tulog siya.
“Ma, kakayanin natin ‘to...”
Pinalakas ko ang loob ni Mama kahit na sobrang hinang hina na ako. Paminsan minsan gusto ko nading sumuko, pero sa tuwing nakikita ko si Kevia, bumabalik ang lakas ng loob ko.Ako ang haligi ng tahanan kaya hindi ako pwedeng panghinaan ng loob. Sa’kin dapat sumandal ang pamilya ko kaya hindi pwedeng sumuko ako.
Hindi nagtagal, nagising nadin si Maybelline.
“Maybelline Anak... Kamusta na ang pakiramdam mo?”
Tanong agad ni Mommy sa kanya.
“I’m okay Ma kaya huwag ka ng mag-alala. Magiging okay din ang lahat. Gagaling din ako. You’ll see Ma..”
Pinilit ni Maybelline na ngumiti para sa Mama niya. Kahit na alam naming nahihirapan na siya, ngumingiti parin siya para ipaalam sa’min na okay lang siya kahit na ang totoo eh hindi siya okay.
BINABASA MO ANG
Memoirs of the Casanova's Wife (Completed)
Teen FictionOnly death can make us apart and can bring us back together. Book 2 of Marrying the Casanova