Chapter 16 : Decision

52.2K 656 82
                                    





Nagising ulit ako sa isang pamilyar na kwarto. Sa ospital. Hindi ko alam kung ilang beses ng nangyari sa’kin ang ganun. Pero sanay na ako. Nawawalan ako ng malay, pagkatapos pagdilat ko sa mga mata ko nasa ospital ulit ako.


Nakakapagod na. Pero wala akong magawa. Wala na akong magawa dahil ganun na talaga ang kapalaran ko.


Minsan sumasagi sa isipan ko na itanong sa sarili ko kung bakit sa’kin pa nangyari ang lahat. Bakit ako pa?


Pero sa tuwing tinatanong ko ang sarili ko sa mga katanungang hindi ko alam ang sagot, ako lang palagi ang naiistress. Ako lang palagi ang lugi. Ako lang palagi ang nalulungkot.


“Kevin?”


Hinanap ng mga mata ko si Kevin sa loob ng apat na sulok na kwarto. Hanggang sa nakita ko siya na nakaupo sa couch, nakayuko at nakapatong ang noo niya sa dalawang palad niya.


“Kevin? May problema ba?”


Pagkatapos niya akong marinig, tumalikod siya sa’kin saka niya pinahiran ang mukha niya gamit ang mga palad niya.


Kahit na nakatalikod siya, alam na alam kong umiyak siya at ayaw niyang ipakita sa’kin iyon.


“Kevin? Umiiyak ka ba?”


Pagkatapos ng ilang segundo, lumingon din siya para harapin ako saka siya ngumiti ng pilit.


“Napuwing lang ako..”


Sagot niya.


Bentang benta na ang ganong sagot kaya alam kong nagsinungaling lang siya. Alam kong umiyak siya pero hindi ko alam ang dahilan kung bakit siya umiyak.


“Pwede mo namang sabihin sa’kin..”


Sambit ko sa kanya.


Lumapit siya sa’kin saka niya hinawakan ang kamay ko.


“I love you...”


Mahinang sambit niya.


Ngumiti ako sa kanya saka ko siya sinagot.


“I love you too.. May masama bang nangyari?”


Hindi makasagot ng deretso sa’kin si Kevin kaya alam kong may nangyari talagang masama. O baka mangyayari palang nong oras na iyon.


*tok* *tok*


Pumasok din ang doctor pagkatapos kasama ang isang nurse. Katulad ng dating gawain, kinunan ulit ako ng blood pressure ng nurse.


“Nakapagdesisyun na ba kayo?”


Tanong ng doctor sa amin ni Kevin.


Tinignan ko si Kevin para itanong sa kanya gamit ang mga mata lang kung anong ibig sabihin ng doctor pero yumuko lang siya. Hindi siya makatingin ng deretso sa’kin o kahit sa doctor man lang.


“Desisyun? Tungkol saan po?”


Tanong ko sa doctor dahil alam kong wala akong makukuhang sagot kay Kevin.


Tinignan ng doctor si Kevin na nakayuko parin.


“Hindi mo pa sinabi sa asawa mo ang sitwasyon Mr. Choi?”


Tanong ng doctor kay Kevin.


“Doc.. Kagigising niya lang po.. Baka pwedeng sa susunod nalang natin pag-usapan iyan..”

Memoirs of the Casanova's Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon