CHAPTER 1

0 0 0
                                    

*** Kiss ***

Kasabay ng pgtulo ng mga luha ay ang malakas na pg ihip ng hangin. Napayakap ako sa aking sarili, alas tres na ng hapon medyo makulimlim at malamig ang panahon. Nakaupo ako sa sanga ng puno kung saan nakatayo ang isang abandonadong tree house na palagi kong tinatambayan .

"Balik ka na" sabi ko sa isip ko .

Tahimik lang akong umiiyak ng walang ano anoy may tumamang bato saken.

Anak ng! ang sakit nun ah ! Agad kong pinalis ang luha sa mga pisngi ko.

"Hoy bata bumaba ka dyan baka mahulog ka!" sigaw nung batang bumato saken.

Bakit at paano sya nakapunta dito? Yun ang unang pumasok sa isip ko . Blankong tingin lng ang isinukli ko sa kanya , agad naman itong naapangiwi sa inasta ko.

"Hoy! baba sabe! babatuhin kita ulet sige!" pananakot pa nito.

Ayoko ng mabato masakit kaya!. Kung pwede ko lng syang sigawan ay ginawa ko na. Inis akong bumaba pra nahimik na sya . Ang ingay kase sumisigaw akala mo namn napaka taas eh ang baba lang nito.

Epal -_-

Pagka baba ko ay napakalawak na ngiti ang ibinigay nya saken. Clown ba sya?

"Hi Im Race! You are?" pag papakilala nito .

Tinanong pa pangalan ko , as if naman masasagot ko sya! iniinsulto ba ko neto. Inirapan ko lng sya at nilagpasan, bumalik ako sa puno . Umakyat ako sa hagdan at pumasok sa tree house bago lumabas sa may balkonahe nito . Umupo ako duon at inilaylay ang mga paa ko. Naramdam ko syang sumunod sakin at umupo pa sa tabi ko.

Ha! tibay sumunod pa. Hindi ba nya napansin na gusto ko mapag isa?

"Hey Im asking you. What's your name? And what are you doing in this abandon place?" Ang daldal , daming tanong .

Hindi ko ulit sya pinansin . Tumingin lang ako sa langit. Mapayapa sana ang hapon ko kung hindi lang may istorbo dito .

"Are you deaf or something? " he asked normally I immediately glared at him until my eyes became blurry .

A tear fell from my eye . Bakit kase kelangan pa nyang tanungin? Hindi naman ako bingi, pero hindi ko nga lang sya kayang sugutin .

"Hey I'm sorry I didn't mean it " he said nervously . "Here" inabutan nya ko ng panyo . "Stop crying okay? "

Kinuha ko ang panyo nyang may naka burda pang "Race", at pinunasahan ang mga luha ko. Tumayo ako at bumalik sa loob ng tree house para kunin ang notebook ko at isang ballpen . Umupo ako ulit sa tabi nya . I wrote

" Im Kaye " and showed it to him Ngumiti sya na abot tenga .

"You can hear but you can't speak? " he asked politely.

Nagsulat ako sa baba ng una kong sinulat . "YES"

"Why Are you here? Where do you live"?

Tinuro ko ang nalang ang bahay sa kabilang bakod sa may bandang kanan kung saan ako nakatira. Tinignan nya ang iyong tinuro ko .

Pagkatapos ay tinuro naman nya ang bahay sa kabilang bakod sa may kaliwa "I live there"

Kung ganon pinag gigitnaan pala namin itong tree house na ito kung saan nakatayo namn sa harap nito ang isang malaking abandonadong mansyon. Simula palang nuong magka isip na ko ay wala ng nakatira dito . Pero mukha parin itong matibay sa kabila ng alikabok at halamang nakabalot sa buong bahay . Hindi ko pa nagawang pasukin iyon dahil natatakot ako . Hanggang dito lang ako sa tree house sa likod ng bahay .

Lost in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon