Dedicated to: kaironx
KEEPING THE LAST BULLET
CHAPTER 14
"Gaaaahhh!"Tahimik na napadaing si Amethyst nang kagatin ng isang leon ang kanyang kanang braso tsaka iwinasiwas. Sa kabila niyang gilid ay ang isa pang leon kinagat 'rin ang kabila niyang braso.
Tumagos ang sakit hanggang sa kanyang buto. Bumalatay ang sakit sa kanyang mukha dahil sa labis na nararamdaman. Pinagtutulungan siya ng dalawang leon at hindi makalaban.
Napapikit ang batang si Amethyst nang madagdagan pa ng isa ang mga iyon, at pinuntirya nito ang kanan niyang paa. Nakahiga siya sa lupa habang kinakaladkad ng mga leon,n ilalapa ang kanyang braso at binti. Nagkalat ang kanyang dugo sa sahig at sira-sira na ang suot niyang damit.
But despite of the pain, she still chose to fight. Gamit ang kabilang binti ay malaya niyang sinipa ang leon na naroon sa kanyang paanan. Kaagad itong tumumba nang tamaan nito ang sensitibong parte ng kanyang leeg.
Napapikit siya nang kumalat ang sakit sa buo niyang binti, ngunit kailangan niyang makawala sa dalawa pa. Dahil kapag tumagal pa ito ay baka hindi na kayanin ng kanyang katawan.
Buong lakas siyang bumaliktad sa ere, at mabilis na lumapag ang kanyang dalawang binti sa magkabilang ulo ng dalawang leon. She is now in a split position, ngunit ang kalahati niyang katawan ay naka bend at nakayuko ang kanyang ulo dahil kagat-kagat dalawang mababangis na hayup ang kanyang magkabilang braso.
Ngunit tila mas lalong nahirapan sa ganitong puwesto si Amethyst dahil hindi siya makagalaw. Pasimple niyang dinukot ang maliit na pin sa loob ng suot niyang manggas gamit ang kanyang bibig. Matapos ay mabilis siyang umihip, wala pa'ng ilang segundo nang bumagsak ang leon sa kanyang kanan.
Akmang mahuhulog siya sa lupa nang mabilis siyang pumailalim sa natitirang leon at kumapit sa dalawang gilid nito. Nagkakawag ang leon kaya mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya rito. Natatanaw niya mula sa 'di kalayuan ang isang may kalakihang matulis na bato. Nakaisip siya ng magandang paraan.
She bit the lion hard. Mas lalo itong nagkikislot at naging mas palaban.
"Rooooaaaaaarrrrr!"
Pinagdikit ni Amethyst ang labi, tumayo ang kanyang balahibo sa ginawang pag alulong ng leon. Ito'y galit na galit at gustong-gustong patayin si Amethyst. Muntik na siyang malaglag sa ginawa nitong malakas na pagkawag.
Nagtagumpay ang kanyang plano. Nagtatakbo ang leon na para ba'ng mayroong hinahabol.Inihanda niya ang isang kamay upang abutin ang matulis na bato. Isang maliit na ngiti ang lumitaw sa kanyang labi nang mahawakan ito ng tuluyan.
"Sometimes,it is better to be weak than to become dumb."
Matapos niya'ng ibulong ang salitang iyon ay ika-ika niyang tinakbo ang dulo ng arena kung nasaan ang mga kagamitan.
Another lion has been chasing her. Dalawa pa sa kanila ang nagnanais na patayin si Amethyst.
Pinilit niyang bilisan ang pagtakbo kahit maroon iniinda. Akmang maabot na siya ng humahabol sa kanyang leon, ngunit mabilis niyang inakyat ang mahabang poste. She took the whip and jumped right in time when the lion was exactly there. Kaagad siyang bumagsak sa likod ng leon, she's now riding it like a horse. Ipinulupot niya ang latigo sa kamay tsaka ihinampas sa tagiliran ng leon.
BINABASA MO ANG
Keeping The Last Bullet (Under Major Editing)
Action"I was born to suffer.I was born to be hurt.I was born to kill lives.But don't you think I've done enough? That I deserve to be loved too? By you....perhaps? A monster A living cold ice.. A killing machine... That is how they see Avrionne Iris Ceran...