KEEPING THE LAST BULLET
CHAPTER 18
AVRIONNE'S POINT OF VIEW
"Iris."
Napako ako sa kinatatayuan nang marinig ang pamilyar na bartitong boses ng isang lalaki.
"Are you mad? Did I do something wrong? Please, t-tell me." Kaagad na kumirot ang aking puso nang mabakas ang pagmamakaawa sa boses nito.
Unti-unti ko siyang hinarap na sana ay hindi ko na lamang ginawa. He's such a mess.
"Bakit mo ako iniiwasan? Is it because you can't love me back? M-May iba ka bang n-nagugustuhan? Nakikusap ako, s-sabihin mo sa'kin." A teardrop escaped from his one eye. Gusto ko'ng lumayo, kailangan ko'ng umalis. Pero hindi ko siya magawang iwan sa ganitong sitwasyon.
"M-Mahal mo ako?" napalunok ako nang marinig ang pagkautal sa sarili ko'ng pananalita.
"Oo! Mahal na mahal kita! I am so dying because of your cold treatment!" sigaw nito tsaka ako tinitigan.
Napaatras ako ng unti-unti itong lumapit. Gusto ko siyang pigilan pero hindi ko magawa, tila nabato ako at hindi makapaniwala sa mga nalalaman.
Napalunok ako nang sa isang iglap lamang ay hawak niya na ako sa kanyang bisig. Dahan-dahan nitong inilalapit sa akin ang kanyang mukha kaya tila nanuyot ang aking lalamunan.
His scent, masyadong nakakabaliw.
I unconsciously closed my eyes as I feel him inches away from me.
Bangg!
Kaagad ko'ng naimulat ang mga mata nang makarinig ng malakas na putok ng baril. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang umaagos na dugo na nanggagaling sa bibig ni Tristan.
"T-Tristan?"
Tuluyan na akong nanghina nang bumagsak sa akin ang kanyang katawan, maging ako ay napahiga sa semento.
"T-Tristan!"
Napaangat ako ng tingin nang isang pares ng itim na sapatos ang bumungad sa akin.
"Didn't I tell you that you are mine alone?"
"AAHHHH!"
Napabangon ako habang hawak ang dibdib, naghahabol ng hininga.
What was that?
A f*cking nightmare?
Napalingon ako sa aking kaliwa't kanan upang kumpirmahin kung panaginip nga lamang ba iyon. Ngunit hindi ko inaasahan nang makita ang dalawang lalaking mahimbing na natutulog sa magkabila ko'ng gilid.
"Ahhhhh!!"
"Nasaan ang sunog?!"
"F*ck!"
Sabay silang napabagnon sa lakas ng tili ko. Wala sa sarili ko'ng hinablot ang asul na kumot tsaka itinakip sa aking sarili.
"A-Anong ginagawa niyo dito? W-Wag niyong sabihing dito kayo natulog!" nakayuko ko'ng saad.
"W-What now?!" sigaw ko nang wala pa 'ring sumagot kahit isa sa kanila.
"Sabi mo wag naming sabihin! E'di hindi kami nagsasalita!" sagot ni Bruise tsaka ako inirapan.
"J-Just get out! Make it faster! " taranta ko'ng sagot.
"Why are you this worried?" tanong ni Ashes.
"Damn! Talaga ba'ng hindi mo naiintindihan?"
"Fine! Lalabas na! Aga-aga ang ingay mo." Tinatamad itong bumangon at napahawak sa kanyang ulo.
BINABASA MO ANG
Keeping The Last Bullet (Under Major Editing)
Azione"I was born to suffer.I was born to be hurt.I was born to kill lives.But don't you think I've done enough? That I deserve to be loved too? By you....perhaps? A monster A living cold ice.. A killing machine... That is how they see Avrionne Iris Ceran...