Chapter 18

4 0 0
                                    

Janine's POV

Ilang oras at paulit ulit na kaming nag sisiyasat ng impormasyon para ma resulba na namin ang pinapagawa ni Sir Martin saamin. Pero pinag sakluban ata kami ng langit at lupa dahil halos pitong oras na kaming naghahanap kahit isang impormasyon wala pa kaming nakakalap.

Nakaka pagtaka at ang galing naman ng taong nagnanakaw ng pera sa kumpanya, dahil kahit saang anggulo namin halukayin kung paano niya nagagawa ito wala parin kaming makita. Napaka talino at husay naman niya sa ganoong bagay. Sabi nga nila Ikaw ang nag paka hirap, Iba ang nakinabang.

"Ah-h Janine?" Tawag ni Sir Marco na tanging kasakasama ko kanina pa.

Tinagnan ko lang siya na may pagtatanong sa mukha ko.

"Ah. Tara na? Ipag patuloy nalang natin bukas yan. Alas otso na din. Tara?" Tanong niya.

"Ah? Osige tara." Pag tugon ko.

Nag ligpit na kami sa mga papeles na hinagilap namin kanina. Pag katapos naming nailigpit iyon, sabay na kaming nag lakad palabas ng kumpanya.

"So? Ano? Bukas nalang, Una na ko." Pag papaalam ko.

"Ah Sige sige." Sagot niya.

Palakad na sana ako ng tawagan niya ko.

"Mag kocomute ka lang?" Tanong niya.

"Oo naman." Sagot ko.

"Sabay ka na saakin. Hatid na kita oras na oh, baka mapano ka pa." Pag piprisinta niya.

"Ay hindi na no. Sanay na ko okay lang, sige una na ko." Pag tutol ko.

"Sus! Wag ng makulit gabi na oh. Kababaeng tao eh." Pangungulit at pangangaral niya.

"Naku hindi na nga. Sige na kaya ko na sarili ko no, ako pa?" Pag kumbinsi ko sakanya.

"Tss. Ikaw bahala sabi mo eh." Sagot niya.

"Sige. Una na ko, Salamat nalang." Pag papaalam ko uli.

"Tss. Kulit kasi, sige ingat ah!"

Ang galing no? Hindi kami nag bangayan, siguro dahil dala na rin ng pag ka busy namin kanina kaya naging mag kasundo kami kahit kanina lang.

Pero napag masdan ko din siya kanina, kapag ganun pala seryosong seryoso siya.

Kahit napaka loko din pala ng isang tao, nagiging siryoso din lalo kapag kailangan mo talagang mag siryoso.

Pag katapos ng usapang iyon, dali dali akong nag hanap ng masasakyan, ngunit kahit anong milagro ang hintayin ko wala na talaga akong masasakyan.

Ang pride mo Janine! Gabi na oh, shunga ko talaga huhuhu.

"Pst!"

Tawag saakin ngunit di ako humaharap, natatakot na ako hindi ko na alam ang gagawin ko, gusto ko ng umuwi.

"Janine uy!" Tawag ng pamilyadong boses sa malayo.

Unti unti akong humarap para makasigurado.

"Janine my goodness! Sabi ko naman sayo sumabay ka na! Kanina ka pa diyan ah? Buti nalang at may naka limutan ako. Kung hindi ako bumalik baka ano ng mangyari sayo!" Panenermon niya.

"Ay wow! Grabe ah? Nabingi ako!" Bwisit kong sabi.

"Nag tataray ka pa diyan eh kamuntik ka nang walang masakyan diyan." Bulalas niya.

"Sus! Oo na. Pasensiya na ho!" Pag tataray ko pa ding depensa.

"Tss! Tara na nga. Hindi naman ako mananalo sayo eh tsk! tsk!" Pag uubaya niya.

Hindi nalang ako kumibo at sinundan lang siya sa sasakyan niya.

Oo na alam ko ang nasa isip niyo, oo nag babangayan nananaman kami kaka puri ko pa man din sakanya.

Hindi na nga pala kami siryoso ngayon, kaya pwedeng pwede na kaming mag bangayan.

Pagka pasok ko sa sasakyan niya, nag tanong kaagad siya kung saan niya ako hahatid at saan ako nakatira para alam niya kung saan ang tamang dereksyon.

At hanggang sa makarating kami sa bahay ay wala kaming naging kibo.

At kung tatanungin niyo kung bakit, ewan basta ang alam ko pagod na pagod na ako at lalong lalo na siguro siya dahil ayon sakanya ay bumalik lamang siya kanina at dagdag pa ang pag hatid niya saakin.

Ng nasa tapat na kami ng bahay ay napag pasyahan ko ng kaagad bumama, nahiya na din ako sakanya dahil baka pagod na pagod na siya at gusto na niyang matulog dahil kahit ako ay gusto ko ng mag pahinga, madyadong nakaka pagod at stress ang ginawa namin kanina sa kumpaniya.

"Ah, Sige una na ako. Salamat ah? Ingat pasensiya sa istorbo, promise di na mauulit. Ingat uli." Pag papaalam ko.

"Ah, walang anuman kulit mo kasi haha, sige pasok ka na." Sagot niya.

"Sige, ingat ah." Sabi ko uli.

Tumango siya at nag hand signal na aalis na siya, at ako naman ay pumasok na. Masyadong nakakapagod ang araw na to kaya gusto ko ng mahiga at matulog.


Never look backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon