Chapter 6

51 3 1
                                    

--FLASHBACK---

Tuwing araw ng linggo'y naka gawian na naming magsimba.

Sa tuwing hahakbang kaming magkasabay sa simbaha'y feeling ko kinakasal nakami. Kahit bata pa lamang kami ay mayroon nakaming pangarap at pangako para saaming susunod na tatahakin. Dahil alam naming kami ang para sa isa't isa.

Hindi ko siguro mawari ang aking sarili kapag nag hiwalay kami. Mag away palamang nga kami hindi kuna kaya yun pa kayang mag hiwalay at mapalayo sakanya?

Dahil siya yung taong binigyan ng kulay ang madilim kong buhay, siya na din yung nagpakilala sa mundong kinagagalawan ko ngayon, dati'y hindi ko alam ang buhay sa mundo dahil noong hindi ko pa siya kilala ay tanging umiikot lamang ang aking mundo sa aking kwarto.

Ngunit ng nakilala ko siya'y nalaman ko na may iba pa palang mundo, ayun ay ang saya at ligaya sa labas. Ilang taon akong nakulong saaking kwarto, walang katiwa tiwalang maki salamuha sa ibang tao dahil nasanay akong nasa bahay lagi.

Kaya ng turuan at hanggang nakasanayan ko ng makisalamuha ay nilubos ko ito at buong sayang tinanggap dahil hindi ko makakalimutan na may isang taong binigay ng diyos upang pasayahin ang malungkot kong buhay.

Oo dahil kay Paul lahat lahat. Lahat ng saya at ngiti saaking musmos na labi'y dahil sakanya. Kaya paano ko pa haharapin at sisimulan ang aking buhay kung mawala siya.

"Mahal? Tara? Pasok na tayo." Sabi niya sabay hawak saaking kamay.

Eto nanaman kami, sabay nag lalakad sa simbahan. Masaya na ako sa ganto dahil alam kong nasasaksihan ng panginoon kung paano kami mag mahalan.

Pagtapos ng misa'y nag aya siyang kumain sa labas. Tumawag muna ako kay Kuya Van na nasa abroad pati kina Lean sakaling mag tanong si Mommy.

"Tara?" Tanong niya.

"Tara! :)" Masaya kong tugon.

Sa haba ng byahe, nakatulog ako. Pag dilat ng aking mata ay agad bumungad saakin ang napaka gandang tanawin, tanaw na tanaw mo ang gandang taglay ng dagat.

"Hello sleeping beauty? Gising kana pala sakto't kakarating palang natin." Sabi ni Paul.

"Ahh?" Sabi ko.

"Sorry, medyo malayo layo din to, pero buti at nakapag pahinga ka muna." Sabi niya.

"Ah? Ikaw lang nag drive? Hindi kapa ba pagod?" Tanong ko.

"Okay lang. Nandito ka naman eh." Sabi niya.

"Sus! Mga banat mo talaga! Laos na hahaha." Tawang tawa kong sabi.

"Ayaw mo?" Nalungkot niyang sabi.

"Oo baduy kaya!" Sabi ko.

"Okay." Tipid niyang sabi.

"Sus! Ikaw talaga! Matampuhin! Haha." Sabi ko sabay kiliti sa tagiliran niya.

Walang reaksyon, pinagpatuloy ko pa ang pag kiliti sakanya.

"Uyy, sorry na oh ayihh." Sabi ko sabay kiliti nanaman sakanya.

Never look backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon