Chapter 20

5 0 0
                                    

Minsan pala maiging kilatisin mo muna ang mga ugali nila, na wag mo munang pangunahan ng panghuhusga.

Napapaisip ako ngayon habang nakahiga, inaantay na dalawin ng antok.

Naisip ko yung kanina, ang saya at sarap sa pakiramsam, yung dating pang huhusga ko sakanya, na puro negatibo yung nasasabi ko.

Pero lahat ng yon ay tanging kamalian lang, hindi pala ganooon. Malayong malayo sa iniisip at inaakala ko.

Oo, namangha ako kung sino at ano siya, dahil hindi ko inaakala ang isang taong kabangayan ko araw araw ay isa palang napaka buting tao.

"Uy Jha? Bat hindi ka ata makatulog? Ano nananaman iniisip mo?" Tanong ni Khate.

"Sus. Nahiya ako sayo haha." Biro ko.

"Tangek. Ano nga?" Tanong niya uli.

"Wala naman, yung kanina lang." Sabi ko.

"Kanina? Napano?" Tanong niya nananaman.

Kinwento ko lahat lahat sakanya, yung pag punta namin ni Sir Marco sa Tom's World at yung pag share namin ng mga naging karanasan namin noon at ang hindi ko makakalimutan ay ang pag sama niya saakin doon sa lugar nag pagaan saaking loob.

"So mabaet naman pala eh." Reaction niya sa ikinwento ko.

"Oo nga eh, guilty nga ako, imagine nun inusga husga ko yung tao tapos mabaet naman pala." Sabi ko.

"Dapat lang girl! Hahaha." Pambwisit niya.

"Loka ka talaga!" Biro ko.

"Ikaw kasi eh, matuto ka ng magtiwala ulit sa mga nakakasama mo ngayon, hindi sa pag aano ah? Matagal na rin Jha. Bukod saamin, matuto ka ng magtiwala sakanila." Pag papayo niya.

"Oo nga eh, masyado ng matagal yon tsaka ayoko na rin Khate, alam mong gaano ko kagusto iyon Khate.  .  .  .  ." Putol kong sabi.

"Kaso?" Tanong niya.

"Ewan, parang ang hirap." Sagot ko.

"Sus Jha! Hindi mahirap sadyang nasanay ka lang kaya ganyan." Paliwanag  niya.

"Siguro." Sabay kabit balikat ko.

"Ayaan mo, alam kong magagawa mo yun. Ikaw pa? Dami mo ng nakayanan yan pa ba?" Pag payo niya saakin.

"Haha loka. Salamat!" Sabi ko.

"No worries my dear!" Sabi niya.

"Tse! Dami mong alam haha!" Biro ko uli.

"Hahaha. Ako pa?" Pag mamalaki niyang pabiro.

"Tse! Tulog na nga tayo!" Sabi ko.

"Mabuti pa. Maaga pa bukas!" Sang ayon niya.

Sa buhay, mayroon dapat at hindi dapat.

Dapat? Dapat siguraduhin natin ang mga bagay bagay. Dahil sa huli, ang mga bagay na hindi mo sinigirado ay mag bibigay ng isang impak sayo na dapat inaksyunan at ginawan mo ng tama.

Hindi dapat? Simple, maging malawak ang pang iisip at pang unawa. Dahil ang epekto nito ay ang maka sira ng puri o bagay bagay na hindi mo dapat ginawa.

- - -

*EPAL NOTE*

Hey! Ayan na bumawi ako. Lakas niyo saakin eh hahaha! At siyempre sisingit ko na, at dahil Birthday ko nag update ako. Tsaka tapos na din finals namin :D Vacation na yiy! Haba ng sinabi ko grabe hahaha. Thankyou thankyou! :* 

TILL NEXT UPDATE GUYS!

@Carlala19

Never look backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon