Chapter 1

121 6 4
                                    

Umaga nananaman, umaga nananaman ng puno ng kabigatan sa aking kalooban.

Hindi ko alam kung paano ko pa nga ba nakakayan ang bawat araw na lumilipas at dumarating, siguro'y dahil narin sa kanila na laging nandyan sa tabi ko, Sila Khate at Tita pati na rin si Tito na lagi kong kaantabay.

Sila yung mga taong binigyan muli ng kulay ang dati'y madilim kong buhay, at sila na din ang nag puno ng pgkukulang ng aking mga magulang noong panahong kapiling ko pa sila.

Tatlong taon na din pala ang nakakalipas simula ng nag laho siya at kasabay na din noo'y ang pag laho ko sa aking tunay na mga magulang.

Lumayo ako upang hanapin muli ang aking sarili, na ngayo'y unti unti ko ng nakakamit.

Naging mahina ako sa aking sariling paninindigan noon, ngunit sa muli kong pagbangon sa kalbaryo ng aking buha'y akin ng haharapin ang bagong ako na may tatag at lakas.

Ayoko ng maulit pa ang mga panahong puro panghihina ang aking pinamamalas.

Dahil sa kahinaang iyon, nawala at gumuho ang aming pangarap, pangarap ng aking pinaka mamahal.

--FLASHBACK--

"Pangako! Mahal kita eh!" Sabi niya.

"Sus! Hindi naman niyan." Pagbibiro ko.

"Basta kahit anong mangyari, tayo parin ang para sa isa't isa!" Sabi niya ng nakataas ang kanang kamay.

"Awww. I love you mahal!" Sabi ko ng punong puno ng pag mamahal.

"I love you too! I love you the more you love me Mahal! :*" Sabi niya sabay halik saaking noo.

--END OF FLASHBACK--

Pinunasan ko ang mga luhang muli nananamang pumatak, iniisip ko nananaman siya. Naiisip ko't naaalala nananaman yung panahong punong puno kami ng pagmamahal na ngayo'y ni hindi ko mabatid kung bakit kami nauwi sa ganitong sitwasyon.

Siya nandoon na sa langit, masaya na sa piling ng panginoon. Ako eto nasasaktan at umaasang maramdaman ko ulit ang pagmamahal na galing sakanya.

Ang hirap umasa lalo na kapag alam mong wala na. At ang tanging magagawa mo nalang ay ang isuko't ipasa diyos nalamang ang sakit at hapdi ng iyong nararamdaman.

Sabi nga nila, life must go on. Gusto ko pang umasa pero diba't para akong tanga na naghihintay sa wala, ngunit kailangan mong kumilos para hindi ka tuluyang maging isang dakilang tanga. Masakit at mahirap ngunit kailangan kong tanggapin, alam kong may tamang kasagutan ang lahat ng ito. Sabinga nila Everything happens for a reason.

Ayoko munang isipin lahat lahat. Tatayo na sana ako para bumaba't makapag almusal na ng biglang kumatok at pumasok si Khate.

"Jha?" Pangbungad niya.

Never look backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon