Chapter 16

28 1 0
                                    

Habang papunta ako sa Opisina ni Sir Paul, kinakabahan ako. Naalala ko tuloy yung mga sinabi ni Alexa kanina.

Ganyan talaga yan, Dati hindi naman siya ganyan, palangiti pa yung tipong kahit anong kabadtripan ang ibato mo, ngingitian niya lang, pero ngayon? Kabaligtaran! yung mga ngiti niya napalitan ng lungkot tsaka pa yung sa way na makipag usap siya, kung ayaw mong makatanggap ng kasupladuhan na salita, iwasan mo nalang. Pero sa kabilang banda, nauunawaan siya ng lahat. Ikaw nga ba naman ang mawalan. Sus! Lintik na pag ibig no? Nakakapag bago ng isang tao. Tsk tsk!

Patay ka na Khate huhuhu.

Pag ka pasok na pagka pasok ko itong salitang to ang bumungad saakin.

"So, Nandito na pala kayo. Anong kaartehan ang bumalot sainyo para matagalan?!"

"Ah Sir, ako lang pong mag isa." Kinakabahan kong sabi.

"Huh?!" Na bulalas niya.

Kasi naman, bakit hindi i take yung operation na inooffer para naman makakita siya naku!

Pero naiintindihan ko.

"A-ah may ka meet po ata si Sir Jake, nag pasama po ata." Sagot ko.

"Okay!"

"By the way? What is your name again?" Tanong niya.

"Khate po." Sagot ko.

"Hmm, sounds like familiar huh?" Bulalas niya.

Hala ka Khate! Naalala ka ata niya.

"And you're voice is also familiar!"

Ayan na Khate huhuhu. Kutong lupa? Please please huhuhu Lamunin mo na ako now na huhuhu.

"P-po?" Na bulalas ko nalang sa sobrang kaba.

"Anyway! Hindi kita pinatawag para kilalanin ka, I have an important task on you, nakasalalay dito kung paano ang diskarte at galing mo sa trabaho mo. Hmm sa madaling salita, hindi basta basta ang pagtanggap ng mga empleyado ko. Iba na ang dati sa ngayon. Wala ng basta basta nalang nag e-exist sa kapanahunang ito, lahat pinag hihirapan."

Thank you lord! Salamat talaga! Ikaw talaga love moko. Muntikan na ako dun huh? Huhuhu.

"Po?" Tanong ko.

Ganyan ba talaga kapag broken hearted? Ni rerelate lagi yung karanasan sa mga pinag gagawa nila ngayon? Sus! Kanina pa dada ng dada si Sir!

"Anyway! I want to challenge you khate? If i'm not mistaken, hmm let's meet again tomorrow, pag iisipan ko pa ang mga dapat mong gawin. So see you tomorrow?"

"Yes Sir, see you tomorrow."

"Hmm, okay then."

Grabi naman yun. Ano kaya yun? ayan nananaman eh! Huhuhu.

"Uy Khate?" Salubong saakin ni Alexa.

"Oh?" Tanong ko.

"Kamusta? Hahaha" Baliw na ata ito eh, bumulwak ng tawa.

"BALIW!" Sabi ko.

"Di joke lang, so napano? Buti di ka nilamon ng buhay? Hahaha." Tanong niya.

"Baliw! Bwisit ka halos sumabog na dibdib ko sa kaba, pasalamat ka naka ligtas ka! Pero hmmm. Okay naman kaso may pinapagawa siya na ewan, pag iisipan niya pa daw huhuhu." Dada ko sakanya.

"Hahaha. Ano ka ba! Ganyan talaga ngayon dito, wala ng nakaka lusot, dapat lahat may 'paghihirapan ng mabuti line! Basta gaya ng sinabi ko, Iba na ngayon sa dati." Sabi niya.

Grabi naman pala dito, ganyan na ganyan yung sinbi ni Sir kanina ah?

Puro manghuhugot sa puso yung mga tao dito.

Buhay kasawian nga naman.

Maraming binabago!

Pero hindi pa naman siguro katapusan ng mundo para hindi mabalik yung nakasanayan nila dati.

Syempre bilang isang baguhan, gusto ko din maranasan at masilayan yung sigla ng kumpanyang ito katulad ng dati.

Siguro nga hindi pa ngayon pero alam ko at may kutob ako saaking kalooban na mayroon pang manunumbalik na saya sakanila, sa kumpanya namin.

Dahil bilang isang nag mahal at nabigo na ngayo'y nakabangon. Kung kaya ng iba, syempre makakaya nila.

At alam kong ako mismo ay makaka saksi sa pangyayaring iyon, sasaya at magkakaroon muli ng sigla ang bawat isa.


Never look backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon