Chapter 7

50 3 1
                                    

Back to reality

Mahirap takasan ang lahat. Mahirap tiisin ang mawalay sa mga taong naging malapit sayo noon. Ngunit kailangan kong kayanin at tiisin dahil para saakin din ito.

Tiniis ko yung mga araw na hinahanap hanap ko lahat, lahat ng ginagawa kong kabaliwan at kalokohan sakanila, yung mga araw na dadamayan kanila sa lahat lahat, dadamayan sa kahit nasa alanganin ka na hindi ka parin nila susukuan dahil sila yung nagparamdam saakin na may pamilya pa rin ako. At ayun ang mga tao at tauhan sa Laurel's Company sila yung naging pamilya ko at ang kumpanyang aming iningatan at pinagsikapan ni paul ay ang nag silbing aming tahanan na kung saan pinaramdam saakin ang salitang Tunay na pamilya.

Sa bawat araw na dumarating noon lagi kong pinipigilan ang aking sarili na puntahan sila. Pero sa bawat makakayanan ko't nagagawa ko iyon ay may isang katanungang laging palaisipan saakin.

Tinulungan ka nga nila dati diba? Hindi kaya't makakayanan at matutulungan ka din nilang maka bangon muli?

Minsan nga naiisip ko na tama ang utak ko eh. Dahil oo nga no, sila yung mga taong nandiyan saakin sila din naman nag pagkilala sa masaya kong buhay kasama si Paul bakit hindi ko inisip iyon. Ngunit mahirap gawin, dahil inisip ko paano kung bawat maka tagmo ako ng mga taong nakasaksi at bahagi ng ala ala namin paano ako? Hahayaan ko nalang bang masaktan at pabayaan nalang nakatayo ako ngunit halos yung kaloob looban ko nasasaktan at nais ng bumigay? At doon ako nagising. Hindi dapat habang buhay mahina ako, dapat matuto na akong tumayo sa sarili kong paa't paninindigan. Oo't mayroong oras at panahon na pinag sisisihan ko lahat. Ngunit kahit ganoon ay tinatatagan ko ang aking sarili dahil alam ko lahat ng mga bagay bagay may dahilan. Alam kong nandiyan lang sa tabi ko si Paul binabantayan ako. Kaya tama na ang tatlong taong pagdaing, panahon na upang mabuhay muli ako sa katotohanan, katotohanang haharapin ko na.

"Jha?"

"Jha?"

"Jha? Huy!"

"Ay! Kabayo ka!-- ay khate?"

"Kabayo ka diyan!" Sabi niya.

"Eh ikaw kasi eh! Nanggugulat!" Sabi ko.

"Sus! Ako pa yung may kasalanan? Eh ikaw nga yung naka tunganga diyan." Sabi niya sabay batok.

"Aw! Eto sayo!" Sabi ko sakanya sabay bato ng unan.

"Humanda ka! Double kill ka saken! Haha." Sabi niya sabay kuha ng unan.

"Eto sayo-" Hindi natuloy sasabihin at pag hampas niya dahi may tumawag sakanya.

"Kring!"

"Kring!"

"Kring!"

"Hello po?"

"Yes po, ako nga po. Bakit po?"

Never look backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon