Chapter 13

40 2 0
                                    


Paul's POV

Ilang araw na nang sinabi ko kay Kuya Joseph na pag iisipan ko ang pag kukumbinsi nila saaking mag take na ng operations.

Pero sa bandang huli hindi parin ako pumayag na mag take. Hindi ko alam pero may konting parte na gusto kong itake iyon pero mas nanaig ang pag dedisisyon kong wag nalang Muna. Kung bakit? Ewan ko basta nalang pumasok iyon sa isip ko, dati kapag kinukumbinsi nila ako kaagad ko namang sinasabing ayaw ko, pero ngayon halos mag dalawang isip ako.

Ang labo eh no? Pero wala masyado na talaga akong bulag. Bulag sa dahilanang binibigyan ko ang sarili kong magmukhang tanga. Pero wala akong magagawa ganito na ako, Siya lang talaga makakapag kumbinsi saaking mag take ako kahit sa panaginip lang. Kahit alam kong nakaka baliw mang sabihin pero oo, hinihintay ko lang lagi siya. Hindi lang sa realidad ko siya hinihintay kundi pati na sa panaginip kahit ilang minuto lang siyang mag pakita basta't nanggaling sakanya.

Simula ng iniwan noya ko, ni minsan hindi ko siya napapaniginipan kahit ilang segundo lang wala, walang wala talaga.

Sabi nila kung sino daw lagi mong iniisip, siya raw laman ng panaginip ko.

Ang unfair!  Bakit ako walang janine na sinasamahan kahit sa panaginip lang.

At simula ng nawala siya naging isa na akong malaking ewan. Simula kase ng araw na iyon, ang dami dami ko ng mga linyang lagi kong binabasa. Oo na kaka bakla man talaga pero heto nalang ata talaga yung paraan para malibang ako at isipin at kalimutan na wala na siya, o di kaya nama'y buhay oa siya kasama ko paring nakikisalamuha sa buhay.

Ang hirap. . . . .

Ang sakit. . . .

Nakakapagod . . .

Pero kakayanin ko dahil minsan na din akong naging dakilang tanga, aanga-anga pa ba ako?

"Pre umuulan na! Uwi muna tayo." Tawag saakin ni Kuya Joseph.

November 1 nananaman. Araw nananaman ng mga patay.

Araw nananaman ng puso kong patay.

Bakit kasi puso ko lang sinama niya bakit hindi kasi puso't pag katao na. Nahihirapan tuloy ako.

"Pre?" Muling tawag niya.

"Sige bro sandali lang." Sagot ko.

Bilib din ako sa isang to eh, kahit na alam niyang ako lang dapat ang sisihin sa nangyari peto hindi niya ginawa. Wala akong naramdamang galit mula sakanya, hindi galit ang pinadama niya saakin kundi dinamayan niya pa ako.

Ayon sakanya, gusto niyang punan ang mga pag kukulang niya sa kapatid niya, hayaan niya ko lang daw siyang suklian ang pag mamahal na binigay ko kay janine, at ang mga bagay na dati ay hinang hinang ginagawa ni janine ay natututong maging malakas. Pero sa tingin ko tama na ang mga ginawa niya. Dahil pinaintindi niya saakin na may karamay pa ako.

"Pre lumalaka na ang ulan! Tara na!" Tawag niya ulit saakin.

Tumayo na ako at inalalayan ni Manong para maka sakay na ng sasakyan, lumalakas ng lumalakas ang ulan.

Never look backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon