Chapter 5

59 3 1
                                    

Joseph's POV

Death Anniversary mo nananaman. Bumabalik nanaman yung Sakit, hapdi at lalong lalo na yung pang hihinayang. Panghihinayang na dadalhin ko na ata sa pag tanda ko.

Ang tanga ko! Ni hindi ko man lang napadama sayo ang pagiging Kuya ko, ni alalayan ka sa gipitan hindi ko nagawa. Mas pinahalagaan ko pa yung trabaho kaysa sayo.

Kanina pa ako nakaupo dito at iniisip nananaman ang mga bagay bagay na nais kong balikan. Kanina pa ako dito simula ng mag paiwan ako kay Van. Malaki ang pasasalamat ko kay van dahil siya yung nag puno ng pag kukulang ko bilang kuya kay janine. Nais kong balikan yung panahon na nagkulang ako sayo yung mga pag lalambing mo na tinatambunan ko ng init ng ulo, yung panahon na kailangan na kailangan mo ako, Ngunit gaya nga ng lagi mong sinasambit kapag nag aaway tayo'y tatanggapin mo nalang.

Gaya ko tatanggapin ko nalang na hindi ko na magagawa sayo iyon dahil kailangan kong tanggapin na wala ka na.

Andaming Dapat at Sana na namuo ng nawala ka, pero tatanggapin ko ng yung Dapat at sanang iyon ay tanging ganyan nalamang. Andaya! Iniwan mokong walang pasabi! Ni hindi ako nakabawi kahit isang araw manlang! ;( Tanga kasi ng Kuya mo eh! Walang alam kung hindi trabaho.

Sakabila ng muli kong nadarama'y napag pasyahan ko na ding sumunod doon.

Pagkadating ko'y nag tatawanan sila. Habang papalapit ako ng papalapit ay nakikinig ako sa pinag uusapan nila.

"Eh yung pag dadabog niya sa condo pag hindi mo ginawa yung favor niya? Hahaha!' Sabi Van.

Pinag uusapan nila si Janine. Yung mga kaguhan at kaharutan niyang ginagawa.

"Hahahaha! Yung kukulitin at kukulitin ka niya kapag ayaw mo tapos hindi ka titigilan kapag hindi ka nag oo hahaha. Babae talagang yan makulit! Hahaha." Tuloy tuloy nilang sabi.

Tuloy tuloy nilang pag kwentuhan, ang sarap at sayang pakinggan ng mg kalokohan na ginagawa niya. Kaso masakit saakin dahil ni isang parte ng ala ala'y wala manlang akong nabahagi. Ng napansin nila ako'y nag salita si Van.

"Pre!" Tawag niya.

"Oh pre!" Sabi ko naman.

"Dito oh." Sabi niya't pag aayaya saakin.

Paano ako sasali kung wala man lang akong maibabahagi sa magandang ala ala na kasama siya.

Tinanguan ko na lang sila at nag tungo sa lapida ni Janine para ibigay yung mga dati niya pa pinabibili saakin.

--FLASHBACK--

"Kuya! Diba luluwas ka bukas?" Tanong niya.

"Oo." Tipid at masungit kong sagot.

"Ibili moko ng nga rosas na kulay Skyblue at Pink ah?" Habilin niya.

"Trabaho pinupunta ko dun. Hindi bulaklak!" Suplado kong sabi.

"Tss!" Dinig kong sabi niya habang papasok sakanyang kwarto.

Never look backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon