Chapter 4

60 3 1
                                    

Napag pasyahan ko ng umuwi dahil medyo nag didilim na rin at baka nag aalala na sila Tita, nakalimutan ko din kasing mag text sakanya.

Palakad na sana ako sa sasakyan para makauwi pero may biglang sumigaw at tinawag ako saaking pangalan. Pangalan na tawag saakin ng mga taong kasalamuha ko dati. Noong masaya pa at matiwasay ang aking buhay kapiling niya.

"Jayjay!?"

"Jayjay!"

"Jay---"

Tawag ni Kuya Van saakin. Si Kuya Van yung isa sa mga tumulong at saksi sa aming pag mamahalan noon.

Kahit na pinsan ko si Kuya Van, at kahit alam niyang tutol noon sina Mommy at Daddy sa pag mamahalan namin Paul ay tinulungan niya parin ako. Siya yung naging Kuya ko noon, siya yung nag sasabi kung tama pa ba ang aking ginagawa. Siya din yung taong kayang maging isang takip para pagtakpan yung mga palusot na ginagawa ko sa tuwing nasa alanganin ako, siya yung naging tagapag ligtas ko sa lahat ng gipitan namin ni Paul. Kaya papalagpasin ko pa ba ito? Lilingunin ko ba siya at mag papanggap na walang narinig?

Pero sa bandang huli, hindi ako lumingon. Alam kong hindi tama iyon. Ngunit kailangan, kailangan ko munang gawin ito para saaking ika giginhawa at pag iipon ng lakas sa lahat ng bagay.

Sa kabahan ng byahe ay tanging iniisip ko ay yung nangyari kanina, paano kung lumingon ako? Ano kaya yung posibleng nangyari? Pero kahit ganoon hindi ko naman pinag sisisihan iyon, ang akin lamang ay ang bubuti ng ipinamalas niya saakin noon tapos ngayon ay ganto ang igaganti ko? Ngunit alam kong may tamang panahon at oras sa mga bagay na ito. At ayun ang tanging hinihintay ko, na sana ay makamtan at makamit ko na ang mga bagay na nais ko, Pero ngayo'y pag sisikapan ko munang tulungan ang aking sarili dahil sabi nga ni Tita, "Kung gusto mong makamit at makamtan ang isang bagay, dapat munang pag sikapan ito."

Sa kabila ng malalim na pag iisip sa bayahe ay nakarating din ako sa bahay.

"Oh nak? Bakit ngayon ka lang?" Bungad na tanong ni Tita.

"Ah, medyo nawili po hehe." Sabi ko nalang.

"Ayy, Tita akyat na po ako." Tuloy ko.

"Osige sige. Pahinga ka muna. Nandoon si Khate, kakadating lang din. Pahinga muna kayo't pagkatapos ay bumaba nakayo't para kumain." Sabi ni Tita.

"Sige po." Sabi ko.

Pagkatapos noon ay umakyat na nga ako at kagaya nga ng sinabi ni Tita'y namdito si Khate.

Van's  POV

Totoo ba yung mga nakita ko? O namamalik mata lang ako? Si Jayjay (janine) ba talaga yun? Ano ka ba Van! Hindi si Jayjay yun!

Gulong gulo ako paulit ulit kong pinapaniwala ang aking isip na hindi si Jayjay iyon. Dahil alam kong payapa na ang kanyang buhay sa piling ng panginoon.

Jayjay? Minumulto mo ba ako? Wag naman ohh! Diba mabaet naman ako? Huhuhu.

"Pare! Ano yan! Hahaha!" Tawag ni Joseph na tawang tawa.

Si Joseph ang kuya ni Jajay (Janine)

"Ungas!" Sabi ko.

"Pinapatawag ka na ni Tita sira!" Sabi niya.

"Huh?" Tanong ko.

"Tara na ungas! Punta na tayo sa---" Putol na sagot ni Joseph.

Alam ko na. Na gets ko na, alam kong tatlong taon na din ng lumilipas at sabay noon ang pag panaw ni Jayjay, masakit at mahirap mang tanggapin ay kailangan harapin at tanggapin dahil kung ilulugmok mo lamang ang iyong sarili'y mas lalo lamamg masakit.

Alam kong napaka sakit sa parte ni joseph dahil todo panghihinayang ang nadarama niya sa tuwing Death anniversary ng kanyang kapatid dahil ni hindi niya pa daw na i pakita sakanyang kapatid ang kanyang pagiging Kuya.

"Bro. Tara." Pagtapik ko sakanyang balikat at sabi.

"Sige Bro, una ka na muna kayo. Susunod nalang ako." Sagot niya.

"Osige sige. Sunod ka Bro ah!" Sabi ko sabay suntok ng mahina sakanyang balikat.

"Sige Bro!" Sagot niya.

Ramdam ko seph, ramdam ko ang sakit at pang hihinayang sa mga bagay na hindi mo naibigay at napakita sa kapatid mo, ngunit kahit masakit ay kailangan nating tanggapin.

Ako yung nakasaksi ng kasiyahan niya, yung mga pag daing niyang pag kukulang ng kanyang mga magulang pinupuno ko. Kahit pinsan ko lang yung babaeng yun napaka sakit tanggapin dahil siya na yung tinuring kong kapatid.

Kaya ng binalita saaming naaksidente ang sinasakyan nila ni Paul ay hindi na kami mapalagay ni Joseph, at dahil wala kaming nagawa ay patawag tawag na lamang ang tanging aming ginagawa dahil kahit anong paalam namin saaming mga amo sa U.S noon ay ayaw kaming pauwiin dahil lamang sa business na iyon. Isang bwan bago kami pinauwi, sa pag uwi nami'y sakit ang dulot ng nalaman naming pumanaw na si Jayjay.

Habang bumabalik ang sakit saaking kalooban ay nag tungo na ako sa Himlayan ni Jayjay.

Pagkadating ko'y nandoon na ang lahat, lahat lahat pati na yung mga nakaantabay at tumulong sa mga pakulo ni Jayjay noon. Ng dahil sakanila'y napapangiti kami, dahil kahit ganoon ay sila naman ang mga nag papasaya kay Jayjay.

"Uy Van!" Tawag ni Lean.

"Ay uy!" Sabi ko.

"Nakauwi kana pala? Musta?" Sabi niya.

"Okay lang, Oo nga eh." Sagot ko.

"Tatlong taon na din pala." Paninimula niya.

"Oo nga. Parang kelan lang." Sagot ko.

"Parang kelan lang nakikipag kulitan at biruan pa siya." Sabi niya sabay yuko at himas sa lapida ni Janine.

"Oo nga. Ang daya kasi neto eh! Masyadobg makulit kaya eto pinapaiyak tayo sa mga ginawa niyang kalokohan." Biro ko.

"Hayy. Ano kaba! Sabi niya diba smile :) ganto oh." Nag form siya ng ngiti sa kanyang labi at kasabay noon ay ang pagtulo ng kanyang mga luha.

"Hahaha. Oo nga." Sabi ko sabay iwas ng tingin. Taena! Bakit napapaiyak nananaman ako! Ang bakla! Pero wala akong magagawa dahil sariwa padin ang sakit at hapdi saamin.

Mahirap kalimutan ang mga bagay bagay lalu na't sa bawat parte ng pinupuntahan mo't tinatahak ay naalala namin siya.

Yung babaeng makulit at pagiging malambing niya yun yung mga bagay na naalala namin siya. Yung kukulitin at kukulitin ka niya kapag di ka nag oo sa mga favor niya. Yung halos sirain niya yung pinto ng condo mo pag tinanghali ka ng gising at dahil hindi mo nagawa yung mga favor niya. Nakakamiss

Sa pag panaw niya'y wala kaming sinisisi, dahil sabi nga ng lagi niyang sinasabi at tinatanong " Kuya Van naman eh! Bahala ka kapag wala na ko wala ng gugulo sayo! Tapos dapat pag ganun diba Kuya Van tatanggapin yon? Diba kasi pag oras muna oras muna?"

Tama siya, wala ng gugulo saakin, pero yung pang gugulo mo yung namimiss ko.

Tanggapin? Gaya nga ng sabi mo, kailangang tanggapin pero siguro masakit pa.

****************

(A/N: Naguguluhan? Read the next chapter)

Never look backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon