Chapter 19

4 0 0
                                    

Hindi parin namin alam kung anong pumasok sa kokote namin kung bakit kami gumagala sa mall ngayon ni Sir Marco.

Masyado na raw kaming na iistress sa pag hahanap kaya nag kayayaan kaming gumala man lang muna. Marami pa raw bukas para doon, kaya heto kami sa isang mall nag mumuni muni.

"Janine? Tara TW tayo!" Aya niya.

"Huh? Ano yun?" Tanong ko.

"Sus Janine! Hindi ka ba naging bata? TOM'S WORLD." Sagot niya.

"Ah." Sagot ko naman.

Natanim sa isip ko yung mga sinabi niya, ' Sus Janine! Hindi ka ba naging bata?' kaya't tumahimik nalang ako.

"Uy Jha!" Tawag niya.

Tinignan ko lang siya bilang sagot.

"Ano ka ba! Ang tahimik mo anong iniisip mo diyan. Tara na nga pasok na tayo, hindi solusyon yan! Mag laru nalang tayo!" Sermon niya sabay hila saakin papunta sa loob ng TK.

"Wow!" Bulong ko sa sarili ko.

Sa tanan ng buhay ko, ngayon lang ako naka punta sa ganitong lugar, kahit tawagin akong alien wala sadyang hindi ako na aware sa pagiginh bata ko noon.

"So? Ano tara!" Aya niya saakin.

Pumunta siya dun sa parang cashier, at nag bigay ng pera saka may binigay sakanyang parang barya ata yun.

Ng bumalik siya saakin, binibigay niya yung mga barya.

"Oh." Bigay niya.

"Aanhin ko tong mga baryang to?" Tanong ko.

"Anong barya? Eto ba? Token yan Jha, i huhulog mo doon tapos pwede ka ng maglaro." Turo niya saakin dun sa lalagyanan ng Token na sinasabi kong barya kanina.

"Ah, sige! Tara na." Excited kong sabi.

"Sige tara!" Sabi niya tsaka na kami nag laro ng kung ano ano.

Ilang oras din kaming nandoon, sunulit at i nenjoy ko talaga ang pag kakataong iyon.

Ang saya pala sa feeling ng ganoon, lalu na kapag may lumalabas na parang ticket, sabi kase kanina ni Sir Marco iipunin daw iyon at pwedeng i papalit doon sa cashier girl kanina.

Akala ko napaka siryoso ng kasama ko, yung tipong hindi mo aakalaing nag lalaro pala siya ng ganto sa edad niya.

"Oh ano ayos ba?" Tanong niya.

"Oo naman no! Salamat!" Sagot ko sakanya sabay ngiti.

"Huh? Para san?" Tanong niya.

"Sus! Basta salamat!" Sabi ko.

"Sabi mo eh!" Sagot niya nalang.

"Ay saglit!" Bulalas niya.

"Bakit?" Tanong ko.

"Tara!" Hila niya saakin kaya napa sunod nalang ako.

Huminto kami sa maraming mga laruan sa loob, meron akong nakita dito kanina na gustong makakuha ng laruan kanina kaso mahirap kuhanin kaya nag try nalang ng iba.

"Saglit lang." Sabi niya.

Tinignan ko lang siya, tinitignan ko kung makakakuha siya dahil mahirap ata talaga yun, kitang kita ko yung pagka siryoso niya.

Itong isang to pa naman nagiging dakilang siryoso sa bagay na gustong gusto niyang siryosohin.

Mula sa napaka siryosong mukha napalitan ito ng ngiti.

Never look backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon